Friday , May 9 2025
Christian Gian Karlo Arca Chess
MAKIKITA sa tagpong ito si Filipino FIDE Master Christian Gian Karlo Arca (gawing kanan) kontra Kay top seed Vietnamese Grandmaster Tran Tuan Minh.

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second International Master (IM) norm matapos makipaghatian ng puntos sa kababayang International Master (IM) Michael Concio, Jr., sa ika-apat na round ng Quang Ninh GM2 chess tournament 2024 sa Quang Ninh Exhibition of Planning and Expo Center sa Ha Long Ward, Ha Long City, Vietnam noong Huwebes, 16 Mayo.

Naglalaro ng puti, ang child prodigy mula sa Dasmariñas, Cavite ay nahati ang puntos kay Concio sa 38 moves ng English Opening Symmetrical variation.

Nag-improve si Arca sa tatlong puntos sa apat na outings, para manatili sa contention.

Binuksan ni Arca ang kanyang kampanya sa pagtabla kay Grandmaster (GM) Nguyen Anh Dung ng Vietnam at sinundan ito ng mga tagumpay laban kina International Master (IM) Yiping Lou ng China at International Master (IM) Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia.

Nakipag-draw si Concio kay Candidate Master (CM) Dau Khuong Duy ng Vietnam at International Master (IM) Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia pagkatapos ay tinalo si International Master (IM) Liu Xiangyi ng Singapore.

Sina Arca at Concio, kapwa naglalaro sa gabay nina Dasmariñas City mayor Jenny Barzaga at National Coach FIDE (FM) Roel Abelgas.

“Okay lang ang draw mahalaga nakatutok tayo sa second IM norm,” sabi ni Arca na nakopo ang gold medal sa Open Blitz, side event ng World Youth Chess Championships na ginanap sa Montesilvano, Italy mula 12-24 Nobyembre 2023.

Ang 1st IM norm ay nakuha ni si Arca sa 18th IGB Dato Arthur Tan Malaysian Open Chess Championships, isang nine-round tournament na ginanap sa Midvalley Megamall sa Kuala Lumpur, Malaysia mula 28 Agosto hanggang 3 Setyembre 2023.

Upang makakuha ang IM title, dapat makamit ng isang manlalaro ang tatlong kinakailangang IM norm at 27 games o higit pang mga laro at isang FIDE rating na 2400 o higit pa. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …