Thursday , May 8 2025

Ron Harper: Pilipinas magandang market ng NBA

NANINIWALA ang dating manlalaro ng Chicago Bulls na si Ron Harper na malaki ang maitutulong ng NBA Global Game sa Oktubre 10 para palakasin ang presensiya ng liga sa Asya.

Sa harap ng mga manunulat sa kanyang kuwarto sa Sofitel Hotel sa Pasay, sinabi ni Harper na sa lahat ng mga bansa sa Asya, mas nakatutok ang mga Pinoy sa  NBA kaya umaasa siya na dudumugin ang laro ng Houston Rockets at Indiana Pacers kahit pre-season lang ito.

“I’ve heard a lot of good stories about Manila and I’ve been trying for the last five years to come here,” wika ni Harper na dating kakampi ni Michael Jordan sa Bulls na naghari sa NBA mula 1996 hanggang 1998.

“The NBA game is now global and having the game in Manila is a good starting point. Even if it’s just a pre-season game, this will expose Filipinos to NBA action. I expect both teams to play hard and have fun. It will be a good show.”

Idinagdag ni Harper na ang kanyang pinakamasarap na alaala sa kanyang paglalaro sa NBA ay ang pagkampeon ng Bulls noong 1996 kung saan nanalo sila ng 72 na beses sa regular season at tinalo nila ang Seattle Supersonics sa NBA Finals.

Samantala, bago ang biyahe ng Pacers patungong Maynila ay natalo sila kontra Chicago Bulls, 82-76, sa kanilang pre-season na laro kahapon.

Nagtala si Derrick Rose ng 13 puntos sa loob lang ng 20 minuto sa kanyang unang laro para sa Bulls pagkatapos ng mahaba niyang pahinga dahil sa kanyang pilay sa paa dalawang taon na ang nakaraan.

Darating ang delegasyon ng Pacers at Rockets ngayong araw para sa kanilang laro sa Huwebes.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *