Friday , April 25 2025

Sino ang papalit kay Almazan?

KUNG mayroong season na dapat habulin ng Letran Knights na  kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), ito ay walang iba kung hindi ngayon!

Ito ay kung totoo ang balita na  ito na ang huling taon ni Raymond Almazan sa paglalaro niya sa Letran at sa NCAA. Lalahok na umano sa 2013 PBA Draft ang 6-8 na si Almazan.

Aba’y maraming mga PBA ballaclubs ang nakatuon ang pansin kay Almazan na ilang beses din namang naparangalan bilang Defensive Player of the Year. At sa season na ito ay lumabas ang opensa niya.

Si Almazan ay isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit sumesegunda sa standings ang Knights sa kartang 12-3 sa likod ng defending champion San Beda red Lions na may 13-2.

Nakakatakot nga lang ang kinabukasan para sa Letran kung mawawala si Almazan.

Kasi ay walang ibang sentrong tine-train sa ngayon si coach Caloy Garcia. Kung mawawala siya, sino ang papalit sa kanya?

Iyon ang tanong e.

So, kailangang magkampeon sila ngayon dahil tiyak na mahihirapan sila sa susunod na season kung walang hahalili kay Almazan.

Sakaling may ma-recruit namang big man si Garcia at ang kanyang mga assistants para sa susunod na season, kakailanganin pa nilang pahinugin ito.

E, kung ihahambing ito sa big men ng ibang koponan, malamang na hilaw talaga ito.

Kasi nga, ang ibang teams ay may big men na pakikinabangan pa ng dalawa o higit  pang taon.

Sa panig nga ng San Beda, may tatlong  taon pa sa kanyang eligibility si Olaide Adeogun.

Kung mawawala si Almazan, sino pa ang tatapat kay Adeogun sa mga susunod na seasons?

So, now or never talaga ang sitwasyon para sa Knights!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *