Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hagdang Bato pinapaboran Kontra Crusis ng mga karerista

Gumawa ng survey ang Kontra-Tiempo sa mga karerista upang tanungin kung kanino sila tataya sa oras na maglaban ang dalawang kampeon.

Sa 10 tinanong ng inyong lingkod 7 ang pumapabor kay Hagdang Bato kontra Crusis.

Nanawagan muli ang karerista sa dalawang may-ri ng dalawang kampeon na sina Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos nagmamay-ari kay Hagdang Bato at Marlon Cunanan ng Crusis na pagharapin ang dalawang kampeon.

Panahon na upang makilala ang horse racing sa bansa bilang isang sport na gaya ng boksing na talamak din ang pustahan.

Sa survey na isinagawa ng Kontra-Tiempo sa  mga mananaya sa Ping Ping Off Track Betting station ni Chairman William “Maca” Chua sa A. Bonifacio Brgy., Paang Bundok, Quezon  City, nagpahayag ang mga karamihan sa mga karerista na lalagay pa rin sila kay Hagdang Bato kung makakatapat nito ang Crusis sa isang karera.

Naniniwala sila na wala pang tatalo kay Hagdang Bato ang itinuturing na kampeon sa hanay ng local runner.

Nagpahayag din ng suporta si Chairman Chua sa Hagdang Bato VS Crusis na siyang mag-aangat  sa industriya ng karera sa bansa.

Sa darating na mga araw ay magsasagawa naman ang inyong lingkod ng survey sa iba pang  OTB sa Metro Manila.

***

Paging Ambo Albano, iligtas ang kabataan sa salot na video karera

Tinatawagan ko si General Ambo Albano, ng Central Police District na iligtas naman ninyo angf mga kabataan sa salot na video karera na patagong pinatatakbo ng mga walanghiyang gambling lord.

Bukod sa talamak na video karera nariyan din ang bookies ng karera na ang napeperwesyo ay ang buwis ng pamahalaan.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …