Monday , December 23 2024
UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH), ang premiere government-run hospital ng bansa.

“Bilang pinakamalaking pampublikong ospital sa bansa at tanging national referral center para sa tertiary cases, dapat nating tiyakin ang pagbibigay ng PGH ng mataas na kalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan. Ang mga nangyaring sunog sa PGH kamakailan ay nagpakita sa atin ng kalunos-lunos na kalagayan nito. Katulad ng libo-libong kababayan natin na umaasa sa serbisyo ng PGH, na karamihan ay mga indigent patients, nangangailangan na rin ang PGH ng agarang atensiyon ng Kongreso at pamahalaan,” ani Estrada.

Layon ng inihaing SB 2634 ni Estrada na dagdagan ang kasalukuyang 1,500 bed capacity ng PGH at gawin itong 2,200 beds para mas maraming pasyente ang mapaglingkuran.

Kaalinsabay nito ay ang panukala ni Estrada ng karagdagang mga doktor, nurses, at iba pang support personnel para matugunan ang pangangailangan ng mas maraming pasyente ng ospital.

Sa loob ng ilang dekada na, laging lampas sa kapasidad ng premiere medical center ang bilang ng mga pasyente rito, at kadalasang problema ang siksikan at mahabang pila ng mga pasyenteng naghihintay na mabigyan ng atensiyon ng ospital, sabi ni Estrada.

Batay sa datos na nakalap ng opisina ni Estrada, nasa mahigit 600,000 ang pasyenteng tinatanggap ng PGH kada taon.

Upang matugunan ang mga hamong ito, iginiit ni Estrada na mahalagang maipasa ang kanyang panukalang batas.

“Mahalaga ang pag-invest sa kalusugan upang magkaroon ang ordinaryong Filipino ng mas malawak na access sa world-class at abot-kayang tertiary hospital care,” ani Estrada.

Kasama rin sa SB 2634 ang pagtukoy ng kinakailangang pondo sa taunang national budget para maipatupad ang mga panukalang hakbang.

Inaatasan ng bill ang direktor ng PGH na makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) para sa mga bagong posisyon kaugnay sa pagkuha ng karagdagang hospital staff.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …