Sunday , December 22 2024
Alfred Vargas Nora Aunor Jaclyn Jose Gina Alajar Adolf Alix Jr

Alfred Vargas iiikot pa pagpapalabas ng Pieta, handog sa Noranians at kay Jaclyn Jose

ni MARICRIS VALDEZ

HINDI pa natatapos sa isinagawang Special Screening ang pelikulang Pieta na nagtatampok sa National Artist na si Nora Aunor kasama sina Gina AlajarJaclyn Jose, at Alfred Vargas. Iiikot pa ito sa iba’t ibang sulok ng bansa at ng mundo. 

Ito ang napag-alaman namin kay Alfred, producer ng Pieta sa pamamagitan ng kanyang Alternative Vision Cinema nang makausap ito kamakailan sa isang brunch sa Ortigas.

Ang Pieta ay idinirehe ni Adolf Alix Jr at screenplay ni Jerry Gracio

Hindi natin pwede talikuran ang mga Noranian,” anito. “Kaliwa’t kanan ang requests nila for special screenings all over the Philippines and even abroad! Grabe bumabaha ng messages ang FB ko. Talagang gusto nilang panoorin ang Superstar. 

“Kaya ‘yun ang gagawin natin. We have special screenings muna for all Noranians all over the country. Iikot ang Pieta,” paniniyak ng aktor/politiko at sinasabing pinag-uusapan na nila kung saan-saan ito ipalalabas. 

At dahil kasama si Jaclyn sa pelikula natanong namin ang saloobin nito ukol sa biglang pagkamatay ng premyadong aktres.

Super nagulat ako. Tumindig ang balahibo ko when I heard the sudden news over the phone. Hindi ako makapaniwala. Super nakakalungkot. Parang kailan lang ay nagsu-shooting kami for ‘PIETA’ at super ok pa siya noon. Wala akong nakitang karamdaman niya. Hindi talaga expected itong nangyari sa kanya,” aniya.

“I am eternally grateful to ms jane dahil sa mga naituro niya sakin at experiences ko with her. We lost a pillar of Philippine cinema too soon,” dagdag pa ni Alfred.

Naibahagi rin ni Alfred na maganda ang naging pagtanggap sa Pieta nang magkaroon ito ng Special Screenings noong December at January kaya naman tuloy pa rin ang kanyang pagpo-produce.

Yes. Pero my partners and I will take our time sa next project. For now focus muna sa PIETA. 

“‘Yung pagpo-producr naman madali na kasi marami nang lumalapit sa atin for their story concepts and ideas. At ang daming magagandang projects na pwedeng gawin,” sagot nito nang usisain namin kung magpo-produce muli.

“Napupuno na ang baul! It’s just a matter of picking the right project after ‘PIETA.’ Honestly, mahirap kasing sundan ang NORA-GINA-JACLYN ng ‘PIETA’ kaya pinag-iisipan talaga naming partners ‘yan,” sabi pa ng aktor.

Samantala, sobra-sobra pa rin ang kasiyahan at pasasalamat sa Itaas ni Alfred dahil nakaraos sa maselang pagbubuntis at panganganak ang kanyang asawang si Yasmine noong Disyembre.

Aniya, masarap maging tatay kahit ikaapat na nilang anak si Aurora Sofia. At nababalanse pa rin niya ang kanyang panahon sa pagiging ama at asawa, aktor, at politiko.

Sa awa ng Diyos, nababalanse natin ng maayos lahat sa responsibilities natin sa buhay. Ang saya kasi tuwing natatapos ang araw ko, super pagod ako pero hindi ako stressed. ‘Yung pagod ko is ‘yung pagod na masaya. 

“Tuloy-tuloy lang ang serbisyo sa District 5, Quezon City habang may bago kaming baby, si Aurora Sofia. Siguro nga siya talaga nagbibigay inspiration at new-found energy ko lately. Ang sarap maging tatay at lalo akong na-excite sa buhay ko in general dahil sa kanya. Suwerte rin kasi ako sa misis kong si Yasmine na super hands-on sa pag-aalaga sa amin sa bahay at mga masisipag at passionate kong staff sa office kaya marami ako nagagawa at naa-accomplish both in my personal and public service life,”

anang aktor.

Sinabi pa ni Alfred na, “talagang may discipline ako sa implementation ng schedule ko. Every 15 mins nakahati ang appointments ko. Usually I have 10-25 appointments a day depende sa araw. Nakakapagod talaga pero very fulfilling kapag productive ka at marami kang natutulungan. 

“Suwerte rin ako dahil napaka-caring and hands on ni misis sa bahay. Pati mga staff namin sa bahay kabisado na ako kaya madali na ang lahat para sa akin pag-uwi ko. Wala na akong inaalala pag-uwi. Kakain at bonding time na lang talaga with family.

“Suwerte rin ako dahil super sipag at efficient na mga staff ko sa office. We share the same vision at dedicated talaga sila sa paglilingkod.”

Ukol naman sa kung ano pa ang plano ni Alfred, naibahagi nitong, “Pumayat pa lalo at ma-maintain ang isang healthy lifestyle hanggang tumanda ako.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …