Tuesday , May 6 2025

Chicano, mangrobang nag-uwi ng ginto

NAKASUNGKIT ng gold medals nina John Chicano at Marion Kim Mangrobang sa 2013 Cold Storage Singapore Triathlon-ITU Asian Cup Elite Under-23 divisions noong Linggo sa East Coast Park, Singapore.

Lumanding sa overall 13th place sa 42 male competitors si Chicano habang niyapos ni Mangrobang ang pang-10 puwesto sa 17-player female division, sapat upang mag-uwi ng karangalan sa bansa.

Malaki ang naging bentahe para sa mga atleta ang dalawang linggong training sa World Development Junior and Under-23 Camp noong isang buwan sa Portugal.

Inarangkada ni Chicano,  pambato ng Sta. Cruz, Zambales, ang ruta sa 2 hours, 13 minutes, at 36 seconds upang lumamang sa kakuwadra sa national team na si Kevin Eijansantos (2:20:39) at Jeaker Nawrooz Hama ng Iraq (2:34:26).

Kumana naman ng 2:27:54 clocking si Mangrobang para duplikahin ang binanda ni Chicano at ng mga kasamahang nakababata sa kanilang sina 2014 Summer Youth Olympic Games candidates Justin Chiongbian at Vicky Deldeo na naka-gold at silver medals sa Kids 13-to-15 age divisions.

Lalong lumakas ang tsansa ng mga Pinoys sa susunod na taong  SYOG triathlon qualifying race sa Kazakhstan.

Kasamang lumaban sina Jimuel Patilan, Jared Macalalad, Magali Echauz at Pauline Fornea sa junior men and women na nakapasok sa Top 10 subalit minalas naman sa medalya. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari nang makulong sa ilegal na pangangarera — That started my advocacy for road safety and to promote legal racers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BATAMBATA pa si Jomari Yllana nang mahiligan ang pangangarera, Gwaping days pa ‘ika niya. Sa …

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *