Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jethro Dino Cordero Aquino Chess

Nakakakuha ng 1st IM norm at outright FIDE Master title  
INCOMING LA SALLE STUDENT NAKISALO SA IKA-5 PUWESTO SA INDIA CHESS TILT

Panghuling standing: (10 round Swiss System)

8.0 puntos–GM Sayantan Das (India)

7.5 puntos—GM  Diptayan Ghosh(India), IM Sambit Panda (India), IM Saha Neelash (India)

7.0 points—IM Dey Shahil (India), AGM Jethro Dino Cordero Aquino (Philippines), GM R. R Laxman (India), IM Ranindu Dilshan Liyanage (Sri Lanka)

MAYNILA— Nagtapos ang Filipino na si Jethro Dino Cordero Aquino sa pakikisosyo sa ikalimang puwesto sa pagtatapos nitong Linggo ng 1st SOA International Grandmasters Chess Festival 2024 # Category ‘A’ (1900 & Above).

Tinapos ng 19-anyos na Aquino, incoming freshman student na kumukuha ng Computer Science sa De La Salle University (DLSU) Taft, Manila ang ten-round tournament na may 7.0 points (anim na panalo, dalawang draw at dalawang talo) para makuha ang kanyang unang International Master norm plus isang outright FIDE Master title sa kumpetisyon na ginanap sa SOA Campus 2 sa Bhubaneswar, Odisha, India  mula Enero 28 hanggang Pebrero 4.

Ang mga tagumpay ni Aquino ay laban kina AIM Arnav Dabhade ng India (round 1), Kundu Kaustuv ng India (round 4), CM Vijay Saraogi Vivaan ng India (round 7), Jake Shanty ng India (round eight), GM Jayson Gonzales ng Pilipinas ( round 9) at GM Adham Fawzy ng Egypt (round 10).

Hinati niya ang mga puntos kina FM Arjun Adireddy ng India (round 2) at IM Saha Neelash ng India (round 3).

Siya ay natalo kina GM Sayantan Das ng India (round 5) at IM Semetei Tologon Tegin ng Kyrgyzstan (round 6).

“I would like to dedicate my victory to my countrymen,” said ng Lucena City, Quezon Province resident Aquino, isang online Arena Grandmaster.

Nakuha ni GM Sayantan Das ng India ang korona na may 8.0 puntos na sinundan nina GM Diptayan Ghosh, IMs Sambit Panda at Saha Neelash ng India na may tig-7.5 puntos.

Umiskor sina GM Jayson Gonzales at WGM Janelle Mae Frayna ng Pilipinas ng tig-6.0 puntos para tapusin ang No. 26 at No.27, ayon sa pagkakasunod-sunod sa 96 na entries.

Samantala, si WIM Bernadette Galas (4.5 points) ay napunta sa overall 65th place habang si WIM Jan Jodilyn Fronda (4.0 points) ay tumapos sa 71st place. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …