Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sextortion cyber

Pang-aabuso ng mga kabataan gamit ang AI dapat sugpuin

SA gitna ng pagdiriwang ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse ngayong ikalawang linggo ng Pebrero, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na sugpuin ang banta ng artificial intelligence (AI) na siyang nagpapalala ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa.

Kasunod ito ng babala ni Council for the Welfare of Children (CWC) Undersecretary Angelo Tapales dahil sa may mga bagong uri na ng mga predators at laganap na rin ang pagkalat ng mga litrato ng mga kabataan na binago gamit ang AI. Bagama’t may ibang bansang nag-ulat na ng mga kaso ng pang-aabuso ng mga bata gamit ang AI, hindi pa nakakatanggap ang Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ng ganitong mga ulat.  

“Habang patuloy na nagiging moderno ang teknolohiya, nakaka-alarmang patuloy din na nakakahanap ng mga makabagong paraan ang mga nais mang abuso ng ating mga kabataan. Mahalagang tugunan natin ang mga bantang ito at tiyaking sino mang gumagamit sa internet o teknolohiya upang abusuhin ang ating mga kabataan ay mananagot sa batas,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

May dalawang mahahalagang batas para sa pagsugpo ng OSAEC: ang Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act (Republic Act No. 11930) at ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 (Republic Act No. 11862). Upang ipatupad ang mga batas na ito, P30 milyon ang inilaan sa ilalim ng 2024 national budget para sa Anti-Trafficking in Persons Enforcement.

“Nananawagan din ako sa ating mga magulang na bantayan nang maigi ang kanilang mga anak pagdating sa paggamit ng mga gadgets, lalo na’t maaaring maging daan ito upang makuha ang kanilang mga larawan at magamit sa iba’t ibang paraan ng karahasan at pang-aabuso,” dagdag na pahayag ng senador.

Sa isang pagdinig sa panukalang 2024 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT), lumalabas na ang Pilipinas ang pangalawang may pinakamaraming kaso ng OSAEC sa mundo. Sa parehong pagdinig, nanawagan si Gatchalian ng pinaigting na bilateral relationships sa ibang bansa upang mapalakas ang koordinasyon at komunikasyon sa pagsugpo ng OSAEC.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …