Monday , December 23 2024

PBBM ‘pilit’ sa pagsulong ng PI — Imee

ni NIÑO ACLAN 

012924 Hataw Frontpage

NANINIWALA ang ‘super ate’ ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, na napipilitan ang kanyang kapatid sa pagtutulak sa pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagiran ng People’s Initiative (PI).

Ayon kay Marcos, kilala niya ang kanyang kapatid at naniniwalang hindi talaga ito ang kanyang naisin ukol sa sistema ng pagbabago ng Konstitusyon.

“Nagugulat lang ako. Kilala ko ang aking kapatid at parang nakatali siya. Hindi ko maintindihan paano nabihag ang aking kapatid ng  mga kung ano-anong demonyo diyan. Hay naku. Talagang hindi maganda itong mga pangyayari,” pahayag ni Marcos sa isang interbyu sa radyo.

Dahil dito patuloy ang panalangin ni Marcos sa kanyang kapatid na mailayo sa mga demonyo.

Umaasa si Marcos na mabibigyan ng liwanag ang pag-iisip ng Pangulo para hindi niya maipaubaya ang kapalaran ng bansa at ng taong bayan sa mga taong matakaw at gutom sa kapangyarihan at atensiyon.

“Sana ang aking kapatid, ‘wag nang pansinin kasi lumaki na kami sa ganyan. ‘Wag makikinig sa mga demonyo sa Palasyo. Maraming demonyo diyan —dalawang paa at ‘yung iba naman mumu,” dagdag ni Marcos.

Samantala kombinsido si Senador Francis “Chiz” Escudero na ang mababang kapulungan talaga ang nasa likod ng PI.

Aniya patunay ang isang video na mismong si House Speaker Martin Romualdez pa ang nagpahayag ukol dito.

Dahil dito naniniwala si Escudero na ito ay isang Politiko Initiative at hindi People’s Initiative.

Nanawagan si Poe sa publiko na kanilang ibasura ang pekeng PI dahil hindi naman talaga ito ang mas dapat na unahin kundi ang problema sa kakulangan ng pagkain, trabaho, edukasyon at ganoon din sa kalusugan.

“Isa lang naman ang solusyon diyan: tigilan n’yo na itong pekeng initiative. We, in the Senate, are ready to work and focus on the things that matter––and we hope the House is ready to set aside this PI and do the same,” ani Poe.

Kaugnay nito naniniwala si Senador Alan Peter Cayetano na sinuman ay maaring mamagitan sa liderato ng senado at kamara upang sa ganoon ay maging maayos na ang lahat.

Aminado siyang bilang dating House Speaker ay maaari siyang mamagitan sa dalawa ngunit ayaw niyang maakusahan na mayroon siyang ibang interes lalo na’t isa siyang halal na senador sa kasalukuyan.

Umaasa si Cayetano na maayos ang lahat lalo na’t ang kaawa-awa dito ay ang taong bayan at bansa.

Aminado siyang mayroon nang political crisis na nagaganap na huwag naman sanag humantong sa constitutional crisis.

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …