Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raquel Suan Chess
PINAG-IISIPAN mabuti ni Philippine Army Cpl. Raquel C. Suan ang kanyang mga susunod na galaw

Philippine Army Cpl. Raquel C. Suan kampeon sa Cabanatuan chess tourney

CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA—Si Philippine Army Corporal (Cpl.) Raquel C. Suan ang naging unang kampeon sa Cabanatuan Rapid chess tournament na nagtapos dito kamakailan sa SM City Cabanatuan.

Ang 32 taong gulang na si Suan, nakatalaga sa unit sa 14IMB IMCOM PA sa Camp General Mateo M. Capinpin sa Tanay, Rizal ay na nagtapos kasama sina Samuel Mateo at Jewello John Vegafria  sa unahang puwesto na nag marka ng tig 5.5 puntos, ngunit nanaig sa Bucholz tiebreak ang una (Suan) para masungkit ang titulo.

Sinabi ni Suan na nagmula sa Sapang Dalaga, Misamis Occidental na ang kumpetisyon ay naglalayong ipakita ang husay sa chess gayundin ang pagpapakita ng sportsmanship at pagpapaunlad ng pakikipagkaibigan sa mga woodpushers.

Tampok din sina Teijin Marquez, WNM Jersey Marticio, Joshua Alindogan at Eduardo Lacson sa ikaapat hanggang ikapito na may magkaparehong 5.0 puntos.

Sina Carlo Lucas, Gian Miel Mandagan, Jeremy Marticio, Rainjay Elejo at Rodmarc Estabillo ay nalagay sa walo hanggang labindalawa na may tig-4.5 puntos.

Si John Red De Leon ang lumabas bilang nangungunang Kolehiyo na may 4.0 puntos, si Joselito Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na Senior award na may 4.0 puntos, habang si Kristel Bunag ang pinakamahusay sa mga babaeng entries na may 4.0 puntos. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …