SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
WALONG estudyante mula Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang nakapasok sa Puregold CinePanalo Film Festival ng Puregold. Ang walo ay kasama sa 25 estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad na nakapasok sa festival na ipinakilala noong Lunes ng Puregold sa Artson Events Place, QC.
Ang 25 na estudyante ang mga nagnanais mabigyang pagkakataon na maipakita ang talento sa pagdidirehe, pagsusulat o paggawa ng pelikula. Sa kanila rin tiyak manggagaling ang mga bagong henerasyon ng magagaling at titingalaing direktor.
Dinaluhan ng representatives mula Puregold, film directors, mga prodyuser, at iba pang key member ng team, binigyang halaga sa isinagawang press conference ang Puregold’s primary objectives: ang makapagbigay ng platform para sa mga kilala at mga baguhang filmmakers, at para maipakita ang kanya-kanya—o iyong tinatawag na Kuwentong Panalo—na makaka-antig ng ating mga puso at magpapaalala sa atin ng katatagan ng mga Pinoy.
At bilang gradweyt ng PUP, isa ako sa natuwa na sa 25 ay walong PUPians ang nakalusot mula sa daan-daang CinePanalo applicants na nagsumite ng kanilang mga istorya para makapili ng 31 na pinaka-magaganda para maisama bilang finalists.
At noong Lunes ipinakilala isa-isa ang 25 bilang panimula ng final stage ng Puregold CinePanalo Film Festival.
Kasama ring ipinakilala ang bubuo sa full-length films. Anim ang nakapasok dito na ang dalawa ay mga baguhan na sina Kurt Soberano para sa kanyang pelikulang Under the Piaya Moon at Eugene Torressa kanyang One Day League: Dead Mother, Dead All. Nakakuha ito ng Producer’s Choice title, na mula sa limang bibigyang ng grant ay nadagdagan ng isa kaya naging anim.
Kasama sa bubuo sa full length category ang mga kilalang direktor na sina Sigrid Bernardo para sa pelikulang Pushcart Tales; Raynier Brizuela para sa pelikulang Boys at the Back; Joel Ferrer para sa Road to Happy; at Carlo Obispo para sa A Lab Story.
Narito naman ang listahan ng mga promising new student directors:
● Jenievive B. Adame – “Smokey Journey” (STI College Cubao)
● Ma. Rafaela Mae Abucejo – “Saan Ako Pinaglihi?” (Polytechnic University of the Philippines)
● Alexa Moneii Agaloos – “Ka Benjie” (Polytechnic University of the Philippines)
● Kent Michael Cadungog – “Text FIND DAD and Send to 2366” (University of the Philippines)
● John Pistol L. Carmen – “Repeater si Peter” (Bicol University)
● Chrisha Eseo Cataag – “Hallway Scholar” (Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo)
● Patricia W. Dalluay – “Lola, Lola, Paano ba ‘Yan?” (Polytechnic University of the Philippines)
● Joanah Pearl Demonteverde – “Kang Pagpuli Ko” (University of the Philippines – Visayas)
● Joshua Andrey A. Doce – “I Am Mutya And I Thank You!” (Bicol State College of Applied Science and Technology)
● Neil M. Espino – “Sa Hindi Paghahangad” (De La Salle Lipa)
● Terrence Gale Fernandez – “Kaibigan ko si Batman” (Polytechnic University of the Philippines)
● Daniel Gil – “Distansya” (Ateneo de Davao University)
● Alexandra Lapid – “Queng Apag” (Mapúa University)
● Reutsche Colle Rigurosa Lima – “Tiil ni Lola” (University of San Carlos)
● Dizelle C. Masilungan – “Kung Nag-aatubili” (University of Santo Tomas)
● Jose Mikyl Medina – “Lutong Bahay” (De La Salle University)
● Ronjay-C Mendiola – “Last Shift” (Polytechnic University of the Philippines)
● Mark Terence Molave – “Paano po gumawa ng collage college?” (Polytechnic University of the Philippines)
● Jhunel Ruth A. Monterde – “Si Mary May Crush Kay Tess” (De La Salle College of Saint Benilde)
● Doxford D. Perlas – “Naduea Eoman Si Brownie (Brownie’s Lost Again!)” (University of the Philippines – Visayas)
● Andrea S. Ponce – “Layag sa Pangarap” (Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa)
● Edz Haniel Teñido Purificacion – “Dzai Dzai Dzai Delilah” (Mapúa Malayan Colleges Laguna)
● John Wilbert Llever Sucaldito – “Tambal nga Sabaw” (Far Eastern University)
● Tyrone Lean J. Taotao – “Abandoned Lullabies” (Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa)
● Marian Jayce R. Tiongzon – “May Kulay Rosas Ba Sa Bahaghari?” (University of the Philippines – Visayas)
Ang six full-length film directors ay makatatanggap ng substantial grant na P2,500,000 each samantalang ang 25 short film student directors ay bibigyan ng P100,000 bawat isa. Hindi lang ‘yan, lahat ng finalists ay makatatanggap din ng complimentary color grading mula Optima Digital para sa kani-kanilang pelikula gayundin ng essential groceries mula Puregold para makatulong habang isinasagawa ang kani-kanilang pelikula.
Magkakaroon ng premiere ang mga pelikulang kasali sa Puregold CinePanalo full-length at short films sa Gateway Cinemas sa Cubao mula March 15 hanggang March 17, 2024 kasunod ang regional screenings. Available rin ang short films sa Puregold’s official social media channels sa YouTube at TikTok.
Binubuo naman ng mga kilala at iginagalang ang mga selection committee tulad nina veteran film at television director Jeffrey Jethurian; film critic Tito Valiente; award-winning filmmaker Victor Villanueva; Puregold senior marketing manager Ivy Hayagan-Piedad; Lyle Gonzales ng Republic Creative; at Puregold CinePanalo festival director Chris Cahilig, na siyang may malaking role sa pagbuo ng festival’s trajectory.
Sa pamamagitan ng CinePanalo Film Festival, lalo pang pinagtitibay ng Puregold ang kanilang commitment sa pag-aalaga ng mga local talent, bridging gaps, and bridging the authentic Filipino stories to the forefront of the cinematic landscape.
Iginiit din ng Puregold CinePanalo Film Festival na magiging celebration ito ng creativity, diversity, at ng vibrant spirit sa mga Pinoy.