Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 25)

SINABI NI SARGE NA MATINDI ANG KRIMEN GINAWA NI MARIO KAYA SIYA INAARESTO

“Matindi ang krimeng ginawa nito,” sabi ni Sarge  sa mga nasa labas ng bakuran nang alalayan sa pagtayo sina Mario at Delia, yakap pa rin ang musmos na anak. “Nan-rape-slay ‘to!”

“’Di totoo’ng bintang n’yo sa akin,” salag ni Mario, pigil sa kuwelyong inakbayan ng isa sa dalawang alalay ni Sarge.

“Sa husgado ka na mangatwiran,”  anitong nakabalat-kayo ng kabaitan. “Kung wala ka talagang kasalanan, ano’ng ikatatakot mo?”

“’Di ba gusto n’yo ‘kong i-salvage?” pitlag ni Mario.

Nagdrama si Sarge sa harap ng maraming tao.

“Tamang hinala ka lang. Nar’yan ang misis mo, isama mo.”

“Talagang sasama ‘ko kahit sa’n n’yo dalhin ang mister ko,” nasabi ni Delia sa panlilisik ng mga mata.

Sinamahan si Mario ng asawang si Delia, karga ang anak na namaos sa pag-iyak-iyak. Nang ipasok siyang muli sa selda, lalong nagwala ang batang si Dondie. Ibig nitong magpakarga sa kanya. Nagpupumalag ito sa mga bisig ng ina.

Noon dumating si Aling Patring na nagpahatid pala doon sa traysikel.

“Ilabas mo muna’ng anak mo para malibang,” payo ng matandang babae kay Delia. “Ibili mo ng kendi o kahit ano.”(Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …