Friday , April 18 2025
SM Prime WWF Phils

SM Prime, WWF Phils. nagsanib puwersa para sa kalikasan

NAGSANIB PUWERSA ang SM Prime Holdings , Inc. (SM Prime) at World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-Philippines) para mapangalagaan at maingatan ang magandang bukas ng kalikasan.

Sa nasabing pagsasanib puwersa, itinalaga ang mga bagong kabataang ambassador na inaasahang magsusulong mga sustainable environmental conservation batay sa ginanap na youth launching na may temang YOUth are the Future.

Naniniwala si WWF-Philippines Education for Sustainable Development Project head, Dino Calderon walang iba pang araw at panahon kundi ngayon upang bigyan ng edukasyon ang ating mga kabataan upang matuto sila ng tinatawag na enviromental conservation at upang mabahagi ang mga bago at modernong kaisipan tungo sa pangangalaga ng ating inang likas na yaman.

Samantala, sinabi ni SM Engineering Design and Development (SMEDD) President  at SM  Sustainability champion Han Chico Sy, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan para matuto ng mga makabago at praktikal na  pangangalaga ng ating sustainable future.

Sa ginanap na pagsasanib puwersa ay inilunsad din ang mga ambasasor mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila kasunog ng pinning bilang patunay.

Sa pagdalo sa pagdiriwang ni Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, mahalagang ihanda ang mga kabataan para bukas lalo sa usapin ng kalikasan.

“Our Journey is really about the race to resilience, as our climate changes society is changing. Sustainability is our pathway to survival as planet and that is what resilience is really about, the ability to withstand the impacts of the hazards that we know and those that we could face in future,” ani Yulo-Loyzaga. 

Nagpaabot ng mensahe sa naturang pagdiriwang si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at aniya magiging daan ito upang matiyak na mayroon tayong mga kabataan sa kasalukuyan na maihahanda para sa susunod na bukas upang sa ganoon ay higit na magkaroon ng sustainable at resilient future.

“Taking advantage of this program will give you all a head start on becoming influentials figures in creating a more sustainable and ecological aware culture,” ani Duterte.

Kaugnay nito, sa darating na Nobyembre, magkakaroon ng tatlong araw na eco-camp ang mga bagong ambassadors na gagawin sa Pico De Loro Beach upang pag-aaralan ang waste to energy management, resource optimization, at climate mitigation mula sa pagbabahagi ng iba’t ibang tagapagsalita mula sa iba’t ibang bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …