Monday , December 23 2024
Money Bagman

Target sa susunod na taon  
PACKAGE 4 TAXES WALANG ATRASAN

WALANG balak ang pamahalaan na iatras ang balaking pagpapataw ng mga dagdag na buwis para sa susunod na taon.

Sa budget briefing ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara para sa 2024 National Expenditure Program (NEP), sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, ipagpapatuloy nila ang pakikipagtulungan sa Kongreso para maisulong ang mga pangunahing reporma na mahalaga para sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya.

Kabilang dito ang pagpapasa sa mga natitirang tax reform packages ng nakaraang administrasyong Duterte at mga bagong tax measures sa ilalim ng kasalukuyang Marcos administration.

Ilan sa mga itinutulak na  dagdag na buwis ay ang Package 4 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation na kinabibilangan ng excise tax sa single-use plastic; rationalization of mining fiscal regime; motor vehicle road users tax; excise tax para sa matatamis na inumin at junkfoods; buwis sa pre-mixed alcohol at VAT sa digital service providers.

Target na aprobahan ngayong 19th Congress ang pitong panukala para sa mga nabanggit na dagdag na buwis bilang suporta sa medium-term fiscal framework.

Ayon kay Diokno, kapag naipatupad ang mga tax measures na ito ay makalilikom ang gobyerno ng P120.5 bilyong dagdag na kita para sa taong 2024.

Kapag nagtuloy-tuloy ay tataas pa ang makokolektang buwis na tinatayang P152.2 bilyon sa 2025 at P183.2 bilyon sa 2026. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …