Monday , December 23 2024

Panawagan sa BIR, PAGCOR  
UTANG NG POGO HABULIN

081623 Hataw Frontpage

IGINIIT ni Senate Public Services Committee chair, Senator Grace Poe sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na habulin ang iniwang utang sa buwis ng isang POGO firm na bigla na lang nagsara at naglahong parang bula noong kasagsagan ng pandemya.

Binigyang-diin  ni Poe, dapat kumilos ang BIR sa pakikipagtulungan sa PAGCOR para makolekta ang P2.2 bilyong unpaid dues ng naturang POGO .

Nanindigan si Poe na kung ang naturang POGO ay isang  lehitimong kompanya ay mas lalong dapat na may paraan ang mga regulators na ito ay matunton at piliting magbayad sa kanilang iniwang obligasyon sa bansa.

Ayon  kay Poe, hindi lang nagdadala ng gulo kundi nagnanakaw pa sa kaban ng bayan ang mga POGO.

Aniya, “may ilang nagtatanggol sa financial benefits na dala ng POGO kaya dapat manatili ito sa bansa gayong mayroon palang napakalaking P2.2 bilyong utang na buwis na dapat bayaran.

Umaasa ang mambabatas na dulot ng mga gulo, krimen at utang na iniiwan ng POGO sa bansa ay makapagdedesisyon na ang Marcos administration tungkol dito.

Sinabi ni Poe, kung hindi lang din magagawa ng pamahalaan na mapasunod ang mga POGO sa batas at regulasyon ng bansa ay dapat nang umalis ang mga ito sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …