Saturday , November 16 2024

Samano nagkampeon sa Sokor blitz chess

MANILA — Nagkampeon si Renato Samano, Jr., sa 2nd Blitz Chess Championships noong Linggo sa Philippine Embassy sa Seoul, South Korea.

Tinapos ni Samano ang torneo na may 6.0 puntos para maiuwi ang titulo. Ang event ay inorganisa ng Philippine Embassy sa South Korea sa pakikipagtulungan ng Philippine E-9 chess club.

Nakakuha ng tig-5.0 puntos sina Danny Layam, Recca Joel Carcueva, Hyo Jin Kim, at Emerson Mendoza para isunod si Samano sa pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglimang puwesto. Gayonman, nakuha ni Layam ang pangalawang puwesto matapos makakuha ng mas mataas na tie break points, na sinundan ng ikatlong Carcueva, ikaapat na Hyo Jin, at ikalima si Mendoza.

Tumabla sina Cain Miro, Raffy Miranda, Viel Espinosa, Erwin Corias, Augusto Villarosa, Hyo Seong Kim, at Romeo Lambonao sa ika-anim hanggang 12th placers na may tig-4.0 puntos. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …