IPINAGMALAKI ng ‘super ate’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na si Senadora Imee Marcos, hindi siya nag–gown kundi mas pinili niyang mag-Barbie dress.
Ayon sa Senadora, ang kanyang kasuutan ay hindi isang gown kundi isang damit na inukay niya sa mga lumang damit ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.
Kulay lila at rosas ang suot na damit ng nakatatandang Marcos at ang kanyang dalang maliit na bag at sapatos ay ganoon din.
Samantala, sinabi ni Marcos, nasa mabuting kalusugan ang kanyang ina ngunit hindi pinahihintulutan ng mga doktor na dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo dahil maraming tao ang naroroon.
Pero, aniya nasa kanyang ina pa rin ang pagdedesisyon sa huli lalo na’t kilala niyang may katigasan ng ulo ang dating Unang Ginang.
Kahapon, dumalo ang dating Unang Ginang sa SONA ng kanyang anak. (NIÑO ACLAN)