Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Aguirre Michael Ocido Dari Castro

Fil-Am Michael Ocido bida sa US chess tourney

ni Marlon Bernardino

MANILA — Nangibabaw si Filipino-American Michael Ocido kontra 165 manlalaro sa 7-Round Swiss format para makisalo sa unahang puwesto para sa 2023 Las Vegas International Chess Festival Under -2300 category na ginanap kamakailan sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada, USA.

Si Ocido, mula sa Queens, New York, ay nag-uwi ng premyong $4,500 cash matapos makaiskor ng 6.5 puntos sa pitong round.

Nakakuha rin si Isaac Martinez ng katulad na 6.5 puntos para makatanggap ng $4,500.

Si Anton Barash ay pumangatlo na may 6.0 puntos para sa S1,500 kapalit ng kanyang mga pagsisikap.

Ang torneo ay inorganisa ng Las Vegas Chess Festival sa ilalim ng direksiyon ni FIDE Trainer at International Arbiter Allan Lossof.

Sinabi ng 32-anyos na si Ocido, ang mga kalaban na kanyang kinaharap ay lubos na mapagkompetensiya, lalo sa pagpasok ng maraming mga bata at hindi kilalang manlalaro.

“Ngunit sa kaunting suwerte, nanaig pa rin ang karanasan ko sa mga laro [naglaro] ko,” sabi ni Ocido, isang Bachelor of Science in Hospitality Management Graduate Student sa West Negros sa Bacolod City, Negros Occidental.

Si Ocido, nagmula sa Victorias City, Negros Occidental ay umiskor ng mga tagumpay laban kina Nicholas Chrysanthou (Round 1), Kevin Fong (Round 2), Armen Andranigian (Round 3), Cole A Rice (Round 4), Ali Mirafzali (Round 5), at Woman FIDE Master Sophie Morris-Suzuki (Round 6). Nag draw si Ocido kay Barash sa huling round.

Sinabi ni National Master Tony Aguirre, malamang na sasali si Ocido sa National Congress sa Philadelphia, Pennsylvania sa Nobyembre at sa North American Open sa Las Vegas, Nevada sa Disyembre.

Si Ocido ay kilala sa Filipino chess circles sa tri-state area para sa kanyang agresibong estilo ng paglalaro sa chess, na pinupunan niya ng mahusay na sacrificial instincts.

Ang iba pang mga tagumpay sa chess ni Ocido na ang International chess campaign na suportado nina NM Aguirre, FIDE Instructor Dari Castro at US based GM Richard Bitoon ng StarWizard Chess ay ang 2015 Johor Challengers Champion sa Malaysia, 2015 Negros Closed Champion, Champion ng Several Open tournaments sa Negros, 2018 HD Bank Challengers Champion sa Vietnam, 2019 Under 2200 category Marshall Chess Club Champion sa New York at 2019 Under 2200 category Washington International Champion. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …