Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeffril T. Zarate nakatatlong panalo

Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong  sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf.

Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni Jeff hangang sa makarating sa meta at nakapagtala ng tiyempong 1:23.0 (13.0-21.5-22.5-26.0) sa distansiyang 1,400 meters.

Sa kabayong si Crusis naman sa isang tampok na pakarera ay mayroon pang maibubuga ang nasabing mananakbo paparating sa linya kahit pa 2,000 meters ang kanilang itinakbo at naorasan ng sarado dalawang minute na may kuwartos na 24.5-24.0-23.5-23.0-25.0.

Kaya naman naging matunog na ang paghaharap nila ng kampeong kabayo na si Hagdang Bato sa darating na Nobyembre.

At para naman sa ikatlong kabayo na si Native Gift ay maaaring isa rin ito na maging contender para sa mga 2YO na grupo dahil siya ay tumapos ng 1:11.2 (23.0-22.5-26.0) para sa 1,200 meters na distansiya.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …