Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Gian Karlo Arca

Talented chess player ng Dasmariñas City, Cavite  
PINOY FIDE MASTER GOLD SA THAILAND

MANILA — Ibinulsa ni Filipino Fide Master (FM) Christian Gian Karlo Arca ang mga nangungunang karangalan sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships 2023 – Open Under 18 Rapid individual category na ginanap sa Eastern Asia Hotel sa Bangkok, Thailand noong Linggo.

Nakakolekta si Arca ng 6.5 puntos sa ika-anim na panalo at tabla sa pitong outings.

Ang 14-anyos na si Arca ay umiskor ng mga tagumpay laban kina Ye Htut Zaw ng Myanmar sa unang round; Lvheng Chen ng China sa second round; Nayaka Budhidharma ng Indonesia sa ikatlong round; FIDE Master FM Nguyen Quoc Hy ng Vietnam sa fifth round; Vo Pham Thien Phuc ng Vietnam sa ikaanim na round; at Pham Cong Minh ng Vietnam sa ikapito at huling round.

Nakipag-draw siya sa kababayang si Mark Jay Bacojo sa ikaapat na round.

Pumangalawa si Bacojo sa kabuuang 5.0 puntos habang pumangatlo si FM Nguyen na may 4.5 puntos.

Si Arca kasama si Bacojo ay nanalo rin ng silver sa Standard Team Competition.

“Masayang-masaya ako sa aking tagumpay dahil halos lahat ng nangungunang manlalaro sa mga bansang Asean pati na rin ang mga mula sa Russia, China, New Zealand, Japan, South Korea, ay sumali sa torneo,” sabi ni Arca, na ang stint dito ay sinusuportahan nina Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Mayor Jenny Barzaga, Coach FIDE Master Roel Abelgas, Melinda Calumaya ng Dasmariñas Integrated High School, National Chess Federation of the Philippines at Philippine Sports Commission.

“Nais kong pasalamatan sina Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Mayor Jenny Barzaga, Coach FIDE Master Roel Abelgas, Mam Melinda Calumaya ng Dasmariñas Integrated High School, ang National Chess Federation of the Philippines, at ang Philippine Sports Commission sa pagsuporta sa aking pakikilahok sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships 2023 sa Bangkok, Thailand,” dagdag ni Arca, isang Grade 8 pupil sa Dasmariñas Integrated High School.

Ang torneo ay inorganisa ng Thailand Chess Association, na naglagay ng mga lokal na manlalaro at nag-imbita ng mga manlalaro ng chess mula sa Brunei, China, FIDE (Russia), Indonesia, India, Japan, South Korea, Laos, Malaysia, Mongolia, Myanmar, New Zealand, Singapore at Vietnam. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …