DAPAT maging tagalutas ng problema ang gobyerno.
Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano sa mga stakeholder na dumalo sa hearing ng Senate Committee on Science and Technology ngayong Hunyo 7 upang talakayin ang mga panukalang nakahain tungkol sa e-governance bills at sa kasalukuyang kalagayan ng internet connectivity sa bansa.
“When we discuss e-governance, we have to first discuss connectivity. I believe we are all created because there is a purpose and problem that we are meant to solve. Government should be problem solvers,” ani ni Cayetano sa kanyang opening statement bilang committee chairman.
Ibinahagi ni Cayetano ang kanyang karanasan bilang Secretary of Foreign Affairs noong 2017-2018 nang tulungan niyang solusyunan ang passport backlog sa bansa.
“When I was in the DFA (Department of Foreign Affairs) sabi ko sa kanila, kapag may problema, ‘wag kayo low morale. Kasi naghahanap tayo ng problema na sosolusyunan. Hindi pwedeng nasestress tayo agad. Kung iyon ang attitude natin, hindi dapat tayo sa gobyerno,” pagliwanag ini Cayetano.
Iginiit ni Cayetano, dapat asahan ng mga nasa gobyerno na bahagi ng serbisyong publiko ang pagharap sa mga problema at ang paglutas ng mga ito. “Kapag nasa gobyerno tayo, dapat parati tayo nag e-expect ng problema. Kasiya. (NIÑO ACLAN)