Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.

Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man Philippine squad sa napagwagihang pitong gintong medalya para tanghaling Most Outstanding Swimmer sa  7-under age female category sa torneo na nilahukan ng kabuuang 980 swimmers mula sa 57 swimming clubs sa rehiyon.

Pinahanga ng pambato ng Sharkpeedo Swim club ni coach Bryan Estipono at kinder student ng St. Joseph’s School of Novaliches, Quezon City ang manonood sa kanyang impresibong panalo sa 50m freestyle (59.56 seconds), 50m backstroke (57.91), 50m butterfly (1:19.34), 50m breaststroke (1:29.45), 100m freestyle (2:12.45), 100m backstroke (2:09.12), at 100m breaststroke (3:15.23) events.

“Hindi na ako nasopresa sa kanya (Pia). Dedicated siya sa kanyang training at talagang ginagawa ang makakaya kahit sa mga sinalihan niyang division meet sa atin. Basta focus lang kami sa training, ‘yun lang muna ang target laging personal best,” sambit ni Estipona, dating varsity sa University of the Santo Tomas.

Bukod kay Magat, nasungkit din ni Galvin Cayanan ang MOS title sa boys 7-years old and under category sa napagwagihang  tatlong ginto, tatlong silver at dalawang bronze medals, habang  nanguna sa girls 12-13 years old class si Kyla Louise Bulaga sa kanyang panalo sa 200m at 400m Individual Medley, 400m freestyle events, habang silver sa (200m butterfly, 200m breaststroke at 4x50m medley relay), at bronze medals sa 50m at 100m butterfly, at 4x100m freestyle relay).

Nagpahayag ng kasiyahan si SLP president Fred Galang sa naging performance ng mga bataang swimmers na aniya’y pawang nanguna sa kani-kanilang events sa isinagawang qualifying meet para sa torneo sa bawat torneo ng SLP.

“We’re very proud. ‘Yung performance nila talagang tuloy-tuloy ang pagtaas. Hopefully, as SLP continued to strengthen the grassroots program through tournaments around the provinces, mas marami pa tayong tagumpay na makukuha sa abroad,” pahayag ni  Ancheta.

Ang iba pang nakapag-uwi ng medalya ay sina Ryiah Zach Belen na may dalawang ginto (50m at 100m backstroke), isang silver (200m backstroke) at isang bronze  (100m freestyle); Gerice Oyaman na may isang silver (4x50m medley relay) at dalawang  bronze  (50m freestyle at  4x100m freestyle relay); Ryzie Danielle Belen na may silver (4x50m medley relay) at dalawang bronze  (400m freestyle at  4x100m freestyle relay); at Paul Vincent Ocampo na may dalawang bronze (4x50m medley relay at 4x100m freestyle relay).

Humirit din sina Riannah Coleman (1 gold, 2 silvers, 5 bronzes), Fritz Gabriele Espero (1 gold, 1 silver, 4 bronzes), Samantha Gabuni (1 gold, 2 bronzes), Sara Santiago (2 bronzes), Angel Magdalene Gabuni (2 bronze), Gerald Cayanan (1 bronze), at  Dwayne Angelo Gabuni (1 bronze).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …