Monday , December 23 2024
Imee Marcos RCEP

Tutol sa RCEP
IMEE UMIWAS PANGALANAN NASA LIKOD NG RATIPIKASYON

NANINIWALA si Senadora Imee Marcos na mayroong puwersa na nag-uudyok upang madaliin ang pagratipika ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ngunit tumangging pangalanan.

Ayon kay Marcos, bilang isang super ate at kapatid ng Pangulo ay hindi niya sinusuportahan ang pagsusulong sa RCEP.

Sa kabila na ito’y isa sa mga prayoridad ng adminitrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nakababata at nag-iisang kapatid na lalaki ng senadora.

Naniniwala si Marcos, bilang isang anak ng agrikultura ay hindi kakayanin ng kanyang konsensiya na padapain ang mga kababayang magsasaka.

“Bilang isang probinsiyana, anak ng agrikultura, hindi kaya ng aking konsensiya na tayuan ang RCEP kung padadapain nito ang ating mga kababayan; iminungkahi ko na bumuo ng isang sub-committe na mas hihimay sa mga saloobin ng mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante,” ani Marcos.

Ipinagtataka ni Marcos, ang pagdidikdik dito o pagmamadali na para bang ang Filipinas na lang ang hindi pumipirma.

Ibinunyag ni Marcos, bilang Chairman ng Senate committee on foreign relations, ginawa niya ang lahat ng pagsasaliksik, konsultasyon at pagdinig para sa sektor ng agrikultura at maliliit na negosyo.

Nabatid ng senadora na lubhang nababahala ang mga kababayan sa agrikultura sa kadahilanang walang aalalay sa kanila sa pandaigdigang kalakalan.

Ipinunto ni Marcos, hindi pa nga  makahinga sa malawakang smuggling, hoarding, at panloloko ang mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo ay  hindi pa rin naibibigay ang mga pangangailangan ng mga magbubukid bilang pansagot sa mass importation.

“Sa kasamaang palad, nabibigo ang DA, Customs at DTI sa pagsagot sa mga ito,”  mariing pahayag ni Marcos.

Binigyang-linaw ni Marcos na ang kanyang paninindigan ay hindi bilang kapatid ng nasa kapangyarihan, kundi bilang anak na may pagpapahalaga sa legasiya ng aking ama na laging unahin ang nakararami at mas nangangailangan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …