Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raffy Tulfo

Raffy Tulfo ginawaran ng Lifetime Achievement Award sa 35th PMPC Star Awards for TV

KINILALA ang TV5 news anchor, radio host, at tinaguriang “King of Public Service” na ngayon ay senador na ng Pilipinas na si Raffy Tulfo sa kanyang natatanging kontribusyon sa industriya ng broadcasting nang gawaran ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement award mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Ang honorary award ay iginagawad sa mga long-time broadcast journalists sa larangan ng news at public affairs. 

Nauna nang pinarangalan ng award na ito sina Luchi Cruz-Valdes, Maria Ressa, Noli De Castro, Jessica Soho, Mel Tiangco at marami pang iba. Tinanggap ni Tulfo ang award sa ginanap na 35th PMPC Star Awards for Television sa Winford Manila Resort and Casino sa Manila noong Enero 28, 2023.

Kasama rin sa Star Awards honorees ang Senior Assistant Vice President at Executive Director for Health ng SM Foundation, Inc. na si Connie Angeles na nakatanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Sa kanyang mahigit 20 taon sa public service, si Senator Tulfo (o mas kilalang “Idol Raffy” ng kanyang mga taga-subaybay) ay isa sa mga pinaka-respetadong broadcast personalities ng TV5 sa kanyang pagiging anchor ng primetime newscast na Frontline Pilipinas, weekend newscast na Aksyon Weekend, noontime newscast na Aksyon sa Tanghali, morning show na Idol in Action, at sa kanyang top-rated program sa Radyo5, ang Wanted sa Radyo

Nagmarka si Tulfo bilang “man of action” at naging haligi ng public service in broadcasting. Ang kanyang matapang at no-holds-barred persona, kasama ng kanyang mabilis na pagkilos at pagnanais na makatulong sa mga Filipinong nangangailangan, ang umani ng tiwala ng mga tao upang kilalanin siyang “Hari ng Public Serbis.”

Panoorin ang PMPC Star Awards’ Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement awardee sa Wanted Sa Radyo, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m. sa Radyo5 92.3 NewsFM, simulcast sa OnePh at live streamed sa Raffy Tulfo in Action Youtube channel at Facebook page. Maging updated sa latest news ng TV5 by following their social media pages sa Facebook at Twitter. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …