Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Students school

EDCOM II kasado na ngayong Enero 2023

TINUKOY ni Senador Win Gatchalian na nakatakdang simulan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ngayong Enero 2023 ang pagrepaso sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, co-chairperson ng EDCOM II, mahalaga ang magiging papel ng Komisyon sa pagtugon ng bansa sa krisis sa sektor ng edukasyon, bagay na pinalala ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Nilikha ang EDCOM II sa bisa ng Republic Act No. 11899 o ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Act. Si Gatchalian ang sponsor ng naturang batas noong 18th Congress.

“Sa pagbubukas ng 2023, agaran nating sisimulan ang maigting na pagsusuri sa estado ng edukasyon sa ating bansa. Sa pamamagitan ng EDCOM II, magpapanukala at magsusulong tayo ng mga repormang tutugon sa krisis na bumabalot sa sektor ng

edukasyon,” ani Gatchalian.

Susuriin ng EDCOM II ang pagtupad sa mga mandatong nakasaad sa mga batas na lumikha ng

Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Magsasagawa ang EDCOM II ng national assessment na magrerekomenda ng mga konkreto at napapanahong reporma upang gawing globally competitive ang Filipinas sa parehong education at labor markets.

Nilikha ng Republic Act No. 11899 ang Education, Legislation and Policy Advisory Council upang bigyan ng payo ang Komisyon. Noong nakaraang Disyembre, tinukoy ng Senado ang mga kasapi sa Advisory Council.

Sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga policy advisors mula sa local government units (LGUs). Sina dating Ateneo de Manila University President Fr. Bienvenido Nebres at dating University of the Philippines College of Social Sciences and Philosophy dean Dr. Maria Cynthia

Rose Bautista ang magiging policy advisors mula sa akademya.

Sina Ginoong Alfredo Ayala at Dr. Chito Salazar ang magiging mga kinatawan ng pribadong sektor. Sina dating TESDA director-general Irene Isaac at Private Education Assistance Committee Executive Director Doris Ferrer ang magsisilbing policy advisors mula sa government education agencies.

Ang Synergeia Foundation at Civil Society Network for Education Reforms (E-Net Philippines) ang magiging kinatawan ng mga civil society organizations at development partners na may kinalaman sa edukasyon. Ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang magsisilbing research arm ng Komisyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …