Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Jay MJ Bacojo Chess

PH bet MJ Bacojo 2nd sa Hong Kong chess tilt

ni Marlon Bernardino

MANILA — Iwinagayway ni National Master Mark Jay “MJ” Daños Bacojo ang Bandila ng Filipinas matapos mag-second place sa Hong Kong Bauhinia U-18 Invitational Chess Championships.

Nakalikom si Bacojo ng five wins, one draw, at loss sa pagtatapos ng apat na araw, 27-30 Disyembre 2022 FIDE standard tournament nitong Biyernes na ginanap sa Regal Oriental Hotel, Kowloon City, Kowloon, Hong Kong.

Namayani ang 16-anyos na si Bacojo, Grade 11 student ng Dasmariñas Integrated Highs Shool kontra kina Yen-Hsiu Elliot Wong ng Singapore sa first round,  Jamison Edrich Kao ng Hong Kong sa second round, ACM Hungi Yun ng Korea sa third round, Shun Him Leung ng Hong Kong sa sixth round, at Ayana Nicole Usman ng Filipinas sa seventh at final round.

Tabla si bacojo kay Isaak Huh ng Korea sa fourth round pero natalo kay Yiheng Li ng Hong Kong sa fifth round.

Bagamat natalo kay Bacojo sa opening round ay nakamit pa rin ni Wong ang titulo kasama ang top purse 15,000 Hong Kong dollars, trophy, at gold medal matapos magtala ng anim na sunod na panalo.

Nagkasya si Bacojo sa runner-up prize na 7,000 Hong Kong dollars kasama ang silver medal.

“We are very happy with the results na 2nd Place si MJ. Sayang, kinulang ng kalahating puntos para sa titulo pero overall maganda ang naging performance niya,” sabi ni national coach FIDE Master Roel Abelgas na nagpapasalamat kina mayor Jenny Barzaga at Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa kanilang pagtulong sa local at international chess tournament.

Nakapasok sa top ten sina Yun (third), Jiu Yarng Clarance Foo ng Malaysia (fourth), Li (fifth),  Zong Ze Cheah ng Malaysia (sixth), Usman (seventh), Huh (eight), Leong (ninth), at Giuk Han ng Korea (tenth).

Ang isa pang Filipino entry na si AIM Alexandra Sydney Paez ay nasa 16th place.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …