Saturday , August 2 2025
Emmanuel Arago Maritanya Krog
NAKOPO ni Maritanya Krog, 13 anyos, ng Caloocan City ang gold medal sa criterium event ng PSC - Batang Pinoy National Championships - Cycling na nagsimula at nagtapos sa Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur. (HENRY TALAN VARGAS)

Gold sa criterium event si Maritanya Krog

VIGAN CITY – Pamilya ng mga siklista, pinadyak nina Emmanuel Arago at Maritanya Krog ang gold medal sa criterium event ng PSC – Batang Pinoy National Championships – Cycling na nagsimula at nagtapos sa  Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur.

Naghari ang 13-anyos na si Arago ng Batangas City sa Boys Under 13 matapos irehistro ang 36 minuto at 05 segundo sapat upang sikwatin ang ginto sa event na suportado at inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.

Dominado ni Arago ang karera dahil malayo ang agwat nito sa pumangalawa at sumikwat ng silver medal na si Dashel Carmona ng General Santos na nakapagtala ng 38 minuto at 05 segundo, bronze naman ang kinalawit ni DJ Perez ng Pangasinan.

“Hindi ko inaasahan, nagulat ako sa panalo ko, umpisa pa lang kumawala na ako tapos noong malapit na sinasabihan na ako na hinay-hinay na kasi malaki ang agwat ko,” masayang sabi ni Arago na idolo si former Ronda champion Ronald Oranza.

Hindi nagpadaig si Krog, 13, Grade 9 student ng Baesa High School sa Caloocan, hinablot nito ang gintong medalya sa Girls 13 and below sa inilistang 37 minuto at 43 segundo sa 30 minutes plus 3 laps.

Naka-silver si Maria Louisse Alejado ng Iloilo (00:39:12.067) habang bronze ang naiuwi ni Jhanah Abella ng Calapan (00:39:16.426).

Sina Jacqueline Joy De Guzman ng Quezon City at Chris Andreu Ferrer ng Cebu ang nanalo sa Girls, Boys 14 to 15 Under ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang ibang nakapitas ng gintong medalya sa day 2 ng grassroots development program ng PSC ay sina Sophia Angela Dela Vega ng San Jose Ciity, (long jump), Kristian Yugo Cabana ng Lucena City, (swimming), Kyla Louise Bulaga ng La Union (swimming), Ellaine Jane Calunsag (weightlifting) at Hannah Shene Cabalida (weightlifting).   

Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang MILO Philippines, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Padel Pilipinas

Ulat ng mga nagawa ng Padel Pilipinas

SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na …

LRTA FIVB Mens World Championship

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball …

PH Blu Girls WBSC Womens Softball Asia Cup 2025

PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China  
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup

NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup …