Sunday , December 22 2024
Bato dela Rosa AFAD arms show
NAGPAHAYAG ng mahalagang mensahe sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines Inc. (AFAD) president Hagen Topacio sa ginanap na 28th Defense and Armshow ng AFAD sa SM Megamall Trade Hall. (HENRY TALAN VARGAS)

AFAD arms show pinuri ni Sen. Dela Rosa

PINASASALAMATAN ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang isinagawang 28th Defense and Arms Show ng Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) nitong Huwebes sa SM Megamall Trade Hall.

“I’m grateful to AFAD for organizing these one-of-a-kind arms show. AFAD is trustworthy and distinguished organization. As chairman of the Senate Committee on Peace and Order, I supported whatever their plans and program para sa kapakanan ng industriya. Sabihan lang nila kung ano ang maganda para sa industriya, suportahan ko iyan sa Senado para maging batas. Basta hintayin ko iyong mga plan nila,” ayon kay Dela Rosa.

Lampas 40 booths ang nagparada ng mga bagong world-class Pinoy made guns, ammunitions, at ibang paraphernalia sa naturang AFAD show sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP).

Nagkaroon din ng seminar para sa responsible gun-ownership at licensing and renewal sa mga pag-aaring baril.

Umaasa si Dela Rosa sa mas dumarami ang bilang ng mga gun owner dahil epektibo na umano ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa inamyendahang mga probisyon ng Republic Act No.11766 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act 203).

“Makikita mo sa shooting range, babae, lalaki, may edad na, nag-eensayo sa pagbaril. Expected natin dodoble ito lalo’t official na ang IRR sa amended RA 11766 na author ako at pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte. Malaking tulong ito sa industirya ng paggawa ng baril,” dagdag ni Dela Rosa.

Nagpasalamat si AFAD President Hagen Topacio kay Senator Bato.

“Blockbuster ang show lalo na kapag alam nilang darating si Senator Bato Dela Rosa. The AFAD membership is always looking for programs and activities that will benefits the industry in general,” sabi ni Topacio, silver medalist sa 2021 Southeast Asian Games sa clay shooting. (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …