Sunday , December 22 2024
Joey Antonio Italy Chess

Antonio bigo sa Italy Chess

Individual Standings After Round 6: (Open 50+ division)

5.5 points — GM Darcy Lima (Brazil), GM Frank Holzke (Germany)

5.0 points — GM Ivan Morovic Fernandez (Chile), GM Milos Pavlovic (Serbia)

4.5 points — GM Rogelio “Joey” Antonio, Jr. (Philippines), GM Maxim Novik (Lithuania), GM Zurab Sturua (Georgia), GM Vladislav Nevednichy (Romania), GM Dejan Antic (Serbia), GM Klaus Bischoff (Germany), GM Ketevan Arakhamia-Grant (Scotland), IM Krizsany Laszlo (Hungrary), IM Fabrizio Bellia (Italy), IM  William Paschall (USA), IM Klaus De Francesco (Germany), FM Stephen Dishman (England), FM Kok Siong Teo (Singapore)

MANILA — Natalo si Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio, Jr., ng Filipinas (Elo 2397), ang 13-time National Open Champion sa kanyang crucial battle kontra kay GM Darcy Lima ng Brazil (Elo 2415) sa sixth round ng 30th FIDE World Senior Individual Chess Championship na ginanap sa Hotel Cenacolo sa Assisi, Umbria, Italy nitong Linggo.

Si Antonio, ang long-time vanguard ng Philippine Chess tangan ang disadvantageous black pieces kontra kay Lima na nagtapos sa 45 moves ng Bogo Indian Defense.

Ang 60-anyos Filipino GM, may tangang 4.5 points para magsalo sa 5th hangang 17th places kasama sina GM Maxim Novik (Lithuania), GM Zurab Sturua (Georgia), GM Vladislav Nevednichy (Romania), GM Dejan Antic (Serbia), GM Klaus Bischoff (Germany), GM Ketevan Arakhamia-Grant (Scotland), IM Krizsany Laszlo (Hungrary), IM Fabrizio Bellia (Italy), IM  William Paschall (USA), IM Klaus De Francesco (Germany), FM Stephen Dishman (England), at FM Kok Siong Teo (Singapore).

Makakalaban ni Antonio si Sturua sa seventh round.

Habang ang 60-anyos na si Lima ay nakisalo sa leadership board sa Open 50+ class tournament, may total 5.5 points, kaparehas ng puntos ni GM Frank Holzke ng Germany (Elo 2476) na giniba si Novik sa 53 moves ng Gruenfeld Defense.

Nagtala ng magkahiwalay na panalo sina GM Ivan Morovic Fernandez ng Chile at GM Milos Pavlovic ng Serbia para umakyat sa pagsalo sa third hanggang fourth places na may tig 5.0 points.

Panalo si International Master Angelo Abundo Young (Elo 2309) kontra kay Ulises Decozar (Elo 2102) ng United States para makaipon ng 3.5 points tungo sa twenty seven-way tie sa 36th places kasama si seventh round opponent FM Milan Kolesar ng Slovakia (Elo 2136).

Sa Open 65+ class ay namayani si International Master elect at FIDE Master Jose Efren Bagamasbad (Elo 2051) kay Eero Patola of Finland (Elo 1830) tungo sa total 3.0 points.

Umakyat ang 66-anyos na si Bagamasbad sa 84th hanggang 112th places kasama si Olav Thoresen ng Norway (Elo 1874) ang susunod niyang makakalaban.

Ang triumvirate ay nagpapasalamat kina NCFP Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay, Jr., at NCFP CEO GM Jayson O. Gonzales sa kanilang pagsuporta sa Europe chess campaign at kay POC President Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, Jr., sa pagtulong ng pagkuha ng Schengen visa.

Sina sportswriter/radio commentator National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., at Roberto M. Racasa ang nagsilbing triumvirate coaches, trainers, at second.  (MB)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …