Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DBM budget money

Budget deliberation target tapusin hanggang 30 Nobyembre 2022

INIHAYAG  ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, inaasahan ng Senado na maipasa ang 2023 budget sa 30 Nobyembre at umaasa na maisumite sa Malacañang sa Disyembre.

Inihayag ito ni Zubiri matapos i-sponsor ni Senador Juan Edcgrado “Sonny” Angara, Chairman ng senate Committee on Finance sa plenary session ang panukalang 2023 national budget kasunod ng kanilang bakasyon.

“Ang target talaga namin is November 30, baka makaya nating maipasa before that. Hindi ko lang ma-predict ‘yong… of course, ating bicam. Kasi bicam, House and Senate ‘yan,” ani Zubiri.

Ayon kay Zubiri, ang ratipikasyon sa panukalang 2023 national budget ay sa unang linggo ng Disyembre.

“Ratification. Ang plano sana namin, first week of December, kung kaya. I think, what he’s asking, he requested lang, just in case ma-extend, para sa compilation ng mga amendments,” dagdag ni Zubiri.

Ani  Zubiri, hindi muna papayagan ang committee hearings habang mayroong budget marathon hearings, kasama ang Commission on Appointments.

“Wala. Bawal. Under our rules, when session is ongoing, there can be no other committee hearings. That’s why pati CA is postponed – let me get my calendar – is actually postponed up to November 22, 23, Tuesday and Wednesday,” paglilinaw ni Zubiri.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …