Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, suki sa Star Awards for Music ng PMPC

NOMINATED na naman this year ang mahusay na singer/songwriter na si Marion Aunor sa 13th PMPC Star Awards for Music. Ito’y muli na namang pagkilala sa talento sa musika ng panganay na anak ni Ms. Maribel Aunor.

Ipinahayag ni Marion na hindi niya raw expected ito.

Aniya, “Nagulat po ako, hahaha! Kasi hindi ko po ini-expect na mayroon ulit akong nomination this year sa Star Awards for Music. Pero s’yempre ay grateful po ako sa PMPC for the recognition.”

Parang yearly yata ay nominated siya sa Star Awards for Music, hindi ba?

Nakangiting pahayag ni Marion, “Parang yearly nga po ay mayroon akong nomination sa kanila, hahaha!”

Nominado sa dalawang kategorya si Marion para sa:

FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR

Esang De Torres | This Feeling – Vehnee Saturno Music Corporation

Janine Tenoso l | Kahit Anong Mangyari – Viva Records

Jayda Avanzado | Sana Tayo Na – Star Music

Julie Anne San Jose | Try Love Again – 8.42

Kim Chiu | Bawal Lumabas – Star Music

Marion Aunor | Kahit Anong Mangyari – Viva Records

Maymay Entrata | I Love You – Star Music

COLLABORATION OF THE YEAR

Darren Espanto and Jayda Avanzado | Sana Tayo Na – Star Music

Gloc 9 and Julie Anne San Jose | Bahaghari – Universal Records

JaMill | Tayo Hanggang Dulo – Star Music

Janine Tenoso and Marion Aunor | Kahit Anong Mangyari – Viva Records

Moira Dela Torre and Erik Santos | Ikaw Pa Rin – Star Music

Ogie Alcasid and Moira | Beautiful – Star Music

Piolo Pascual and Yeng Constantino | Iiyak sa Ulan – Star Music

“Kaming dalawa po ni Janine ang nag-compose nito noong 2019. Hugot/heartbreak song po siya, single lang po ito na ini-release namin noong pandemic,” pahayag ni Marion.

Thankful din siya sa isang napanalunang award. “Nanalo akong Diamond Excellence Award for Outstanding Female Artist Of The Year.”

Aniya, “Then, tuloy-tuloy lang po ang pag-produce namin ni Ash (Ashley Aunor) sa Aunorable Productions ng ibang artists. May mga bagong artists na rin po kaming isa-sign sa Wild Dream Records. ‘Yung songs po nila ipino-produce namin ngayon. Baka may bagong song din po akong ilabas soon. Collaboration with a rap group po.”

Si Marion ang Co-Founder and Creative Head ng Wild Dream Records.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …