Wednesday , December 4 2024

Orcullo, manalo, 6 pang Pinoy pasok sa Final 32 (World 9-Ball)

KUMAKASA pa din sina Dennis “Robocop” Orcullo at Marlon “Marvelous Captain” Manalo sa pagpapatuloy ng World 9-Ball Championship matapos nilang patumbahin ang kani-kanilang katungali pero nabigo si Hall of Famer Efren “Bata” Reyes matapos kapusin kay Nick van den berg ng Netherlands, 5-11, para tuluyang masipa sa ginaganap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Si Orcullo, ipinagmamalaki ng Bugsy International Promotions ay ginamit ang kanyang eksperyensa para talunin si Cheng Yu Hsuan ng Chinese-Taipei, 11-10, sa Final 64. Susunod na makakalaban niya ay si John Morra ng Canada na binigo si Nick Malaj ng Albania, 11-9.

Si Manalo, Chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City ay winasiwas si Omar Al Shaheen ng Kuwait, 11-5, tungo sa Final 32 encounter kay Fabio Petroni ng Italy na giniba naman si Dmitri Jungo ng Switzerland, 11-6.

May anim pang Filipinos na pasok sa round of 32 para mapanatili nila ang kanilang tsansa sa $36,000 top prize World Pool-Billiard Association (WPA)-sanctioned event.

(Lovely Icao)

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *