Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan PPO PNP

Bagong OIC ng Bulacan PPO itinalaga

ITINALAGA na bilang bagong Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office si P/Col. Relly Arnedo kapalit ni P/Col. Charlie Cabradilla na nagsilbi ng limang buwan sa lalawigan.

Sa isang seremonya na isinagawa sa Bulacan Provincial Headquarters sa Camp General Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos nitong Moyerkoles, 7 Setyembre, pormal nang itinalaga ni P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng Police Regional Office 3 si P/Col. Arnedo.

Dating nakapuwesto si P/Col. Arnedo bilang hepe ng Regional Investigation and Management Division (RIDMD) ng PRO1.

Bilang bagong OIC ng Bulacan PNP, nangako si P/Col. Arnedo na gagawin ang kanyang bagong responsabilidad na may dedikasyon at pagmamalasakit.

Binigyang diin niya na ang buong puwersa ng Bulacan PNP, sa pangunguna niya, ay walang kapagurang ipagpapatuloy na gampanan ang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo, gayundin ang pagbaka sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan.

Ipinahayag din niya ang matatag na pagpapatupad ng ‘internal cleansing’ at hindi umano niya kokondenahin ang anumang  ‘bad apples’ sa kanyang organisasyon.

Karagdagan pang ipinahayag ni P/Col. Arnedo, dadalhin niya ang mabagsik na pagtayo sa mga inisyatibo laban sa krimen habang pinalalakas ang pagsuporta sa peace at security framework ni P/BGen. Azurin na “MKK=K” Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran na magdurugtong sa “KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) Program”. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …