Tuesday , May 13 2025
Dandel Fernandez Chess

PH bet Dandel Fernandez 2nd place sa UAE chess tourney

ni Marlon Bernardino

Final Standings: 6.5 points — FM Ammar Sedrani (UAE);

6.0 points — AGM Dandel Fernandez (PHI); 5.0 points —Ali Rashid Ali (UAE); Al-Kaabi Abdulla (UAE);

4.5 points — Walid Isam Ahmed (SUD); 4.0 points —Mosallam Mohammad (UAE); Ahmad Ali AL Mansoori (UAE); Khayyal Ayman (EGY), Saeed Ali Alkaabi (UAE);

3.5 points — Hani Daoud Hejazi (UAE), Omar Awad Aljaberi (UAE)

MANILA—Muling pinatunayan ni Arena Grandmaster (AGM) Dandel Fernandez na ang Pinoy chessers ay world athletes matapos mag-second place sa tough 28th Abu Dhabi International Chess Festival – Frontline Heroes na ginanap sa Radisson Blu Hotel & Resort, Abu Dhabi Corniche sa Abu Dhabi, United Arab Emirates nitong 22 Agosto.

Nakalikom si Fernandez ng 6.0 points mula five wins at one loss para tumapos ng first runner-up sa likod ng nagkampeon na si UAE’s Fide Master Ammar Sedrani na nakapagkamada ng 6.5 points.

Si Fernandez na frontliner sa Saudi German Hospital sa UAE ay tinulungan din ang Philippines/Novelty chess team na nasa gabay ni sportsman Sonsea Agonoy sa runner-up finish kasama ang kanyang team mate at kababayang si Nelman Lagutin sa 28th Abu Dhabi International Chess Festival – Communities Tournament nitong 20 Agosto.

Si Fernandez, dating Maynilad top chess player ay gumawa ng malaking upset sa 2 by 2 team event matapos maka-draw kay International Master Ali Sebbar ng Egypt sa fourth round, giniba si Grandmaster Bassem Amin ng Egypt sa sixth round at binigo si Fide Master Hilwani Talal ng Syria sa seventh at final round.

“I would like to dedicate my victory to God, to my Company Saudi German Hospital, my fellow frontliners as well to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” anang magaling na chess coach na si Fernanez na dating NCR SCUAA top player mula Technological University of the Philippines – Manila na certified National Master (NM) ng bansa. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …