Friday , November 15 2024
arrest prison

17 law offenders naiselda sa Bulacan

SA pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa kriminalidad, naaresto ang may kabuuang 17 kataong pawang mga paglabag sa batas nitong Linggo, 31 Hulyo.

Sa kampanya laban sa ilegal na droga, nagkasa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Miguel at Baliwag MPS katuwang ang PDEG SOU-3 ng serye ng drug sting operations na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na suspek na kinilalang sina Edmar Sta. Maria, ng Brgy. Sibul, San Miguel; Jethro Rican Bernardo at Julius Narciso alyas Dudus, kapwa ng Brgy. Perez, Meycauayan; at Joel Santos alyas Bawang, ng Brgy. Virgen Delas Flores, Baliwag.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 13 pakete ng plastik ng hinihinalang shabu at buybust money na ginamit sa operasyon.

Samantala, sa isinagawang pagresponde ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS sa ulat ng Grave Threat at Illegal Possession of Firearms sa Brgy. Tungkong Mangga, naaresto ang suspek na kinilalang si Edwin Francisco, 47 anyos, isang tindero.

Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang isang babae matapos siyang pagbunutan ng baril ni Francisco at pinagbantaang papatayin.

Matapos maaresto, nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .38 na baril na kargado ng tatlong bala.

Gayundin, sunod-sunod na nasukol ang 12 katao sa inilatag na operasyon laban sa ilegal na sugal ng mga tauhan ng Malolos CPS, San Jose del Monte CPS, at Bocaue MPS.

Naaktuhan ang mga suspek sa mga sugal na mah jong, cara y cruz, at Lucky 9, kung saan narekober sa kanila na ang tatlong pisong barya na pangara, mga baraha, at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, mananatili ang kapulisan sa walang tigil at masiglang pagpapatupad ng kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …