INAMIN ni Rafael Nadal na hindi siya ‘fit’ para harapin si Nick Kyrgios sa Biyernes sa semi-finals ng Wimbledon pagkaraang nadale siya ng ‘abdominal injury’ na muntik nang magpasuko sa kanya laban kay Taylor Fritz.
Kailangan ng second seed na manlalaro na humiling ng ‘medical time-out’ sa 2nd set at nagbalik ito na may bagsik. Nanalo siya sa laban 3-6, 7-5, 3-6, 7-5, 7-6 (10-4) sa dikdikang laban na tumagal ng apat na oras at 21 minuto.
Samantalang si Australian maverick Kyrgios ay nilampaso si Cristian Garin ng Chile sa iskor na 6-4, 6-3, 7-6 (7/5).
Ayon kay Nadal, ang 2008 at 2010 champion sa post-match press conference na hindi siya sigurado na mapapanatili ang kondisyon sa pagpapatuloy ng torneyo na target sana niya ang 3rd leg ng rare calendar Grand Slam.
“I can’t give you a clear answer because if I gave you a clear answer and tomorrow another thing happens, I will be a liar,” sabi ng 36-year-old na kampeon.
Si Nadal na binigyan ng ‘pain reliever’ sa nasabing match, ay nagsabing kailangan niyang sumalang sa tests bago siya magdesisyon kung maglalaro pa sa All England Club.
Inamin ng Spaniard na pinayuhan siya ng kanyang ama at kapatid na babae na mag-quit sa quarter-final match laban kay Fritz pero hindi niya gusto ang ideya.
“I fought,” sabi niya. “Proud about the fighting spirit and the way that I managed to be competitive under those conditions.”
Si Kyrgios ay naked 40th sa buong mundo at tinatayang isang malaking banta kay Nadal kahit pa nga walang nararamdamang injury ang kampeon.