Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Welder, itinumba ng naka-bisikleta

PATAY ang isang welder matapos malapitang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek na sakay ng isang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Richard Sabanal, 41 anyos  na isang fitter/ welder, residente ng #98 Quintos St., Brgy. San Jose ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakasuot ng waway hat, blue t-shirt at brown maong shorts sakay ng isang Japanese bicycle kung saan patuloy itong pinaghahanap ng pulisya.

Batay sa ulat ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 4:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng San Jose Church sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. San Jose.

Batay sa pahayag sa pulisya ng isang vendor na nakasaksi sa insidente, nagtitinda siya ng lumpia sa naturang lugar nang makita niya ang suspek habang naglalakad sa likod ng biktima na armado ng baril saka malapitang binaril sa likod na bahagi ng ulo si Sabanal.

Kaagad namang ipinag-utos na ni Col. Ollaging sa kanyang mga tauhan ang follow up imbestigasyon para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …