Friday , November 15 2024
arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas City  police chief Col. Dexter Ollaging naarestong si Ruben Aboga Jr, 21  anyos. residente ng #50 Little Samar St., Brgy. San Jose ng nasabing siyudad.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 3:15 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Intelligence Section ng Northern NCR Maritime police sa isinagawang joint manhunt operation si Aboga sa kanyang bahay.

Nabatid na unang nakatanggap ang mga operatiba ng WSS ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar naging dahiln upang isagawa ang operation kontra sa kanya.

Si Aboga ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Aimee S. Arago, Presiding Judge, MeTC Branch 119, Navotas City, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Criminal Case no. 22-24851. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …