Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBA Finals Merlaco Ginebra

PBA Finals
GAME 6 LALARGA NGAYON SA MOA ARENA

NAGKAABERYA ang Games 6 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts kaya hindi natuloy nung Miyerkoles ang laro sa Smart Araneta Coliseum.

Nakansela  ang nasabing laro nang pasukin ng makapal na usok ang venue dahil sa sunog na naganap sa isang construction site na katabi ng Big Dome.

BAgama’t naapula ang apoy bandang ala-una ng hapon, nagpatuloy pa rin ang pagpasok ng usok sa loob ng venue.

Dahil sa nangyaring insidente, nagpasya ang PBA Commissioner’s Office na ilipat ang venue ng Game 6 sa pagitan ng Gin Kings at Bolts sa MOA Arena sa Pasay City.

Humigit-kumulang sa 20,000 bilang ang sasaksi sana sa mainit na bakbakan ng dalawang koponan na ang Gin Kings ay asam ang  titulo samantalang misyon naman ng Bolts na itabla ang serye sa 3-3.

Sasalang ang Ginebra na taglay ang kartang 3-2 sa MOA, at ang Meralco ay asam na pahabain pa sa isang laro ang finals series at asamin din ang titulo ng Governors’ Cup.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …