Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donato Gamaro Chess

Fil-Am gumawa ng ingay sa US Chess

NAGPAKITANG-GILAS ang isang Filipino-American  sa 14th annual Foxwoods Open International Chess Championship na nagtapos nitong Abril 17, 2022 na ginanap sa Foxwoods Resort Casino & Hotel sa Connecticut, USA.

Si Donato Gamaro ay  gumawa ng ingay sa Estados Unidos na nagtala  ng pinakamalaking tagumpay sa kanyang chess career.

Kilala sa tawag na Gerry sa chess world na isang engineer at golfer sa Queens, New York ang naghari sa Under 1600 division na nagkamada ng 6.5 points matapos talunin si Karim Naba sa final round ng 7-round Swiss System Tournament. Sa kanyang pagwawagi sa regular game 60 minutes plus 10 seconds delay time control format ay kumabig siya ng  US$2,325.

“No words can express. It is everybody’s dream to win a championship title in any major tournament,” sabi ni Gamaro na tubong Calauan, Laguna.

Nagkampeon din si Gamaro sa Blitz side event.

Ang susunod na lalahukan na International Chess Tournament ni Gamaro ay ang  50th annual World Open Chess Championship Under 2000 category sa Hulyo sa Philadelphia, Pennsylvania, USA. -Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …