MANGUNGUNA sa hanay ng mga atletang Pinoy si World No. 5 Pole Vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer ng bansa sa pagbubukas ng 31st Southeast Asian Games na lalarga sa MNy Diknh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.
Unang plano ng Philippine contingent na dalawa sana ang magiging flag-bearers ng ‘Pinas kasama ni Obiena si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz pero hindi pumayag ang organizer.
“There could only be one flag-bearer for each country. We Nominated Hidilyn and EJ, but it was turned down,” pahayag ni Philippine Olympic Pres. Rep Abraham “Bambol” Tolentino.
Lalarga ang Vietnam SEA Games sa Mayo 12-23 at llamado sa kani-kanilang sports sina EJ at Hidilyn na masungkit ang ginto.
Dati nang ipinahayag ni Bambol na kahit nakapiring ang mga mga ni EJ na lulundag ay paniguradong masusungkit nito ang into base na rin sa kanyang nilundag na 5.45 meters sa 2019 SEAG Games.
Bukod pa roon ay nakapagposte si EJ ng 5.93 meters sa Innsburck, Austria na siya ngayong bagong Asian men’s record.
Samantalang si Hidilyn ay hindi na kailangan pa ng mahabang introduction dahil world class ang binuhat niya sa Tokyo Olympics para masungkit ang gintong medalya.