Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Concio Jr Chess

IM Concio muling nanalasa sa  Pinoy Open Online Blitz  Chess Championship

MULING nanalasa si Dasmarinas City bet International Master Michael Concio Jr. na consistent winner ng online weekly tournaments sa paghahari sa Pinoy Open Online Blitz Chess Championship   nitong weekend virtually na ginanap via chess.com platform.

Nakapagtala si Concio ng Arena 50.0 points para magkampeon sa 2 day (April 16 and 17) online tournament.

Nakilala si Concio nang magkampeon sa 2nd Eastern Asia Juniors and Girls Championship sa Tanauan, Batangas tungo sa pagkopo ng International Master title noong Disyembre 15, 2019.

 “We do this to promote chess in the grassroots level and discover new sports talents,” sabi ni Arena Grandmaster Rey Urbiztondo na siyang utak ng nasabing torneo.

Bida rin si International Master Ronald Dableo ng Philippine Army chess team at head coach ng University of Santo Tomas chess team na nakamit ang second place honors na may Arena 47 points , habang sina Fide Master Roel Abelgas at Grandmaster Darwin Laylo ay kapwa nagrehistro naman ng Arena 45 points para pumuwesto sa  third at fourth place.

(MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …