Friday , November 15 2024
Comelec SM Supermalls SM Prime Vote Pinas

COMELEC, SM Supermalls, inilunsad Let’s Vote PINAS

PORMAL na nagsanib-puwersa ang Commission on Elections (COMELEC) at ang SM Supermalls para ilunsad ang Let’s Vote PINAS, isang  Vote Counting Machine (VCM) Demo and Experience sa publiko, kahapon, 18 Abril 2022 sa SM Mall of Asia Music Hall, Pasay City.

Dumalo sa paglulunsad sina COMELEC Chairman Hon. Saidamen B. Pangarungan, COMELEC Commissioners Hon. Socorro B. Inting, Hon. Marlon S. Casquejo, Hon. Aimee P. Ferolino, Hon. Rey E. Bulay, Hon. George Erwin M. Garcia, and Hon. Aimee Torrefranca-Neri, SM Supermalls President Steven T. Tan, at SM Supermalls Sr. Vice President for Operations Bien C. Mateo.

Ang inisyatibang Let’s Vote PINAS ay bahagi ng Voter Education program ng COMELEC, naglalayon itong palakasin ang tiwala ng publiko sa paggamit ng VCM, at makapagbigay ng karanasang hands-on at edukasyonal bilang paghahanda sa gaganaping pambansang halalan sa 9 May 2022.

Ang nasabing inisyatiba ay hindi eksklusibo sa mga rehistradong botante, manapa, nais ng COMELEC na hikayatin ang lahat ng mga Filipino, nang walang pinipiling edad, upang maturuan ang kanilang sarili na maging handa sa proseso ng halalan.

78 SM SUPERMALLS

Suportado ang Let’s Vote PINAS ng 78 SM Supermalls bilang venue, physical setup, at may malakas, mabilis na koneksiyon ng WiFi upang gayahin ang magaganap na halalan sa 9 Mayo.

Magbibigay ang COMELEC ng 800 mock ballots bawat mall araw-araw, na may kabuuang 500,000 mock ballots na gagamitin sa 78 SM Supermalls sa buong bansa.

Susubaybayan at papatnubayan ng lokal na tanggapan ng COMELEC ang mga demonstrasyong gagawin sa SM Malls – ang nag-iisang partner ng COMELEC sa inisyatibang Let’s Vote PINAS.

Narito ang talaan ng mga lalahok na SM Malls:

               Sa National Capital Region (NCR) ay mayroong 25 malls kabilang ang SM Megamall, SM North EDSA, SM Mall of Asia, SM Aura, SM Southmall, SM Valenzuela

SM Sangandaan, SM Fairview, SM Novaliches,

SM San Jose Del Monte, Cherry Foodarama Congressional, SM Sta. Mesa, SM Manila

SM San Lazaro, SM East Ortigas, SM Marikina

SM Center Las Piñas, SM Bicutan, SM Muntinlupa

SM Sucat, SM Hypermarket Lopez, SM BF Parañaque

SM Center Pasig, SM Grand Central, at SM Makati.

Mayroong 13 mall sa Central Luzon na kinabibilangan ng SM Cabanatuan, SM Tarlac,

SM Olongapo, SM Olongapo – Central, SM Pampanga,

SM Clark, SM San Fernando, SM Telabastagn, SM Marilao, SM Pulilan, SM Megacenter Cabanatuan,

SM Cauayan, at SM Baliwag.

Limang SM Malls sa North Luzon kasama ang SM Baguio, SM Rosales, SM Urdaneta, SM Dagupan, at

SM Tuguegarao.

Sa South Luzon ay 21 SM Malls, kasama ang SM Molino, SM Dasmariñas, SM Bacoor, SM Marketmall Dasmariñas, SM Center Imus, SM Rosario, SM Trece Martires, SM Sta. Rosa, SM San Pablo, SM Calamba

SM Batangas, SM Lipa, SM Lemery, SM Taytay

SM Angono, SM Masinag, SM San Mateo, SM Puerto Princesa, SM Naga, SM Legaspi, at SM Daet.

Apat na SM Malls sa Central Visayas, una ang SM Cebu, SM Consolacion, SM Hypermarket Lapu-lapu, at

SM Seaside Cebu.

Dalawang SM Malls sa Western Visayas, ang SM Iloilo at SM Bacolod.

Ganoon din sa Eastern Visayas, ang SM Tacloban

at SM Ormoc.

Sa Mindanao ay anim na SM Malls, kabilang

Ang SM Cagayan De Oro, SM CDO Downtown,

SM General Santos, SM Davao, SM Lanang Premier, at

SM Butuan.

Magaganap ang Let’s Vote PINAS sa mga SM Supermalls sa NCR/Pampanga/Bulacan/CALABARZON mula 20 Abril hanggang 24 Abril 2022, habang ang natitirang Luzon/Bicol/VisMin SM Malls ay sa 22-24 Abril 2022.

               Walang rekesitos na kahit anong dokumento ang mga lalahok sa nasabing inisyatiba.

               “It is critical that Filipinos improve their understanding of the procedures for the national elections; and, thanks to this joint effort between COMELEC and SM Supermalls, we can refresh our understanding of the processes, which will most certainly lead to an efficient, safe, and honest election day on May 9, 2022,” pahayag ng SM.

Ayon kina COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan at Steve Tan, Presidente ng SM Supermalls, layon ng kanilang kasunduan na sanayin at maituro sa bawat botante ang pamamaraan ng tamang pagboto.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay maaaring pakinabangan hindi lamang ng mga empleyado ng malls kundi maging ng mga customer, botante man o hindi.

Iginiit ni Jimenez, hindi lamang ngayong 9 Mayo 2022 ang halalan kundi mayroon pang mga susunod.

Tiniyak ni Jimenez, ang kanilang mga gagamiting Voting Counting Machines (VCM) sa voters education ay hindi ang mga VCM na kanilang gagamitin sa mismong halalan.

Bagkus ito ay kanilang gagamitin bilang mga contingent machines pero hindi mananatili sa bawat SM supermalls dahil bago ang nakatakdang halalan ay kailangan na nila itong bawiin.

Siniguro ni Jimenez, ang bawat gagamitin nilang balota na ipapasok sa VCM ay pawang walang nakalagay na pangalan ng sinomang kandidato.

Nagpapasalamat si Tan sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob ng COMELEC sa SM Supermalls para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Dahil dito libreng magagamit ng COMELEC ang bawat espasyo na kanilang gagamitin sa lahat ng SM Malls sa ilulunsad na Let’s Vote PINAS.

Tinukoy ni            Tan, naging katuwang din ng COMELEC ang SM sa kanilang malawakang voter registration at tiniyak na laging katuwang ng pamahalaan ang kanilang kompanya sa paglulunsad ng mga programang mapapakinabangan hindi lamang ng bansa kundi ng bawat mamamayan.

Nagpapasalamat si Pangarungan sa suporta at mabilisang aksiyon ng kompanya sa programang ito ng pamahalaan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …