GOODBYE na sa dating boy next door clean image niya si Sam Concepcion. Gustong ipakita ng kampo ng talented na young actor/singer ang kanyang pagiging mas serious na performer, kaya sila nagdesis-yon nang ganito.
Sa latest album niyang Infinite mula Universal Records, makikita rito ang mga bagay na gustong gawin ni Sam bilang isang artist. Sinadya raw talaga ito ayon kay Sam para ipakitang hindi na siya isang pa-cute lang na teena-ger. Pati na rin ang kanyang pagbabagong bihis as a performer ay mapapansin dito.
Astig ang dating dito ni Sam na sa music video ay kasama pa ang super-seksing si
Solenn Heussaf. Ano ang kaibahan ng album na ito sa dalawang naunang nagawa niya?
“Malayo, malayo sa kung paano ako kilala ng mga tao. It’s very far from the previous music that I used to do. ’Tsaka ‘yung image din, tsaka… iba lang… Mas may edge, mas may attitude ‘yung pinaka-character ng album, iba, iba na siya,” pahayag ni Sam.
Bakit Infinite ang title ng kanyang latest album?
“It’s called Infinite kasi it just represents kung ano man ‘yung mga hindi pa namin nagagawa and iyong ibang pwede bang magawa with my artistry. Hopefully it will go a long, long way.”
As an entertainer naman, sinabi rin niyang mas nalilinya siya ngayon bilang isang singer-dancer. Ayon pa sa kanya, after two previous albums, may say na rin siya sa nilalaman ng kanyang latest album na ang carrier single na No Limitations ay isang collaboration between Sam himself at ng mga matitinik na musicians na sina Billy Crawford, Kris Lawrence, at Marcus Davis.
Pero, paano kung intrigahin siyang copycat ni Gary Valenciano?
“Well, ewan ko, hindi siguro maiiwasan din na masabi iyon. Kasi, si Sir Gary lang naman talaga ‘yung ganoon e. But you know, I’m from a whole different generation naman e and a whole different kind of music.
“So, basta, I’ll just continue to develop kung anuman … iyong album ko and my music right now.”
Kasi my similarity kayo sa ilang moves at magkasama kayo sa ASAP every Sunday, kaya parang nahahawa ka rin ba sa moves ni Gary?
“Actually, ako I would say na siyempre, si Sir Gary is an artist na we all look up to, ‘di ba? I wish na parang Gary V. ako, pero hindi e, medyo iba rin e,” nakangiting saad niya.
So, mas gusto mo na may sarili kang tatak?
“Well, iyon din po ang gusto ko, I wanna be able to be an artist of my own. Makilala as Sam Concepcion na may sariling tatak.”
Bukod sa No Limitations, ang iba pang cuts sa album ni Sam ay I‘m The One, She Drives Me Crazy, ang revival na Mahal Na Mahal Kita, ‘Di Ka Nag-iisa, Rescue You, There’s No Me Without You, Kontrabida, Panalangin, at Love, Love, Love.
***
Ogie, tatlong shows ang buwena-mano sa TV5 MAGANDA ang pasok ng singer/comedian na si Ogie Alcasid sa TV5 dahil tatlong shows agad ang ibinigay sa kanya ng bago niyang TV network.
Una niyang proyekto ay ang primetime soap opera na The Gift. Makakasama rito ni Ogie d’ Pogi sina Nadine Samonte, Arci Muñoz, Candy Pangilinan, at iba pa.
“It’s a beautiful story about this young boy with a special gift. He sees dead people and his mother is a former girlfriend of mine. Naiwan sa akin iyong bata because of an accident. I was a part of that accident kaya lang nabuhay ako.
“The dead people ay makakausap nitong anak ko at doon na magpo-progress ang kuwento,” kuwento ng aktor.
Ang iba pang show ni Ogie ay ang The Mega and The Songwriter, obviously, with Sharon Cuneta. Plus, ang gag-show na Tropa Mo ‘Ko kasama si Gelli de Belen.
Hindi kaya parang Tropang Trumpo itong huli na dating pinagsamahan din nina Ogie at Gelli, with Michael V. at Carmina Villaroel sa dating ABC 5? Madalas kasing magbiro noon si Wendell Ramos na isa rin TV5 contract artist na lilipat na sa kanila si Ogie at magkakaroon ng continuation ang kanilang Tropang Trumpo.
Anyway, sa tatlong shows na ito ay magpapakitang gilas si Ogie sa pagda-drama, sa musical, at comedy. Kaya definitely, sa puntong ito ay masasabi na-ting tama ang desisyon niyang lumipat sa Kapatid Network.
Nonie V. Nicasio