Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eumir Marcial Isiah Hart

Kahit na 3 beses bumagsak
MARCIAL GINIBA SI HART SA 4TH ROUND

NASAKSIHAN ng Pinoy boxing fans   sa YouTube ang naging ikalawang laban ni Eumir Marcial bilang professional kontra kay Isiah Hart nung Linggo sa US.

Prente   ang lahat ng nanonood at tiwala  na magiging madaling asignatura lang si Hart sa Pinoy protégée.

Pero nagulantang ang lahat  nang sa unang round pa lang ay bumagsak ang  Tokyo Olympic bronze medalist  sa right straight ni Hart.

Medyo desmayado ang mga nanonood na Pinoy boxing fans na naniniwala  na magiging madali ang laban na iyon ni Eumir.  Mukha kasing naiba ang istorya.

Pero sa nakitang hindi naman ininda ng  pambato Pinas  ang unang bagsak—masasabing natsambahan lang siya kaya bumagsak at hindi solido ang  dumating sa kanya na suntok kaya hindi ininda.

Lalong ninerbiyos ang mga manonood nang dalawang beses pang pinabagsak ni Hart si Marcial sa 2nd round.

Naiba ang tingin ng mga nakasaksi sa tatlong bagsak ng Pinoy pug  dahil lamang na sa iskoring si Hart kung makakaraos ang laban  para sa ating boksingero.  6-rounder lang ang nasabing bakbakan.

Pero sa 3rd round, parang nakainom ng spinach si Marcial nang magpakawala ito ng matitinding kombinayon para  simulang  gulpehin ang kalaban.

Dito sa round na ito nakatikim ng matitinding suntok si Marcial  na kitang-kita na iniinda niya.   Bigla naman nagbalik agad ang kompiyansa ng Pinoy fans.

Sa background ng laban,  ang boses ni WBC Featherweight champion Mark Magsayo na nanood sa laban ang  patuloy na nagtsi-cheer para sa kababayan.   Naroon siya sa mismong venue para bigyang suporta si Eumir.

Ang maganda sa isinisigaw ni Magsayo ay pinag-iingat niya si Eumir sa kanan ni Hart na tatlong beses na nagpabagsak sa kanya.

Sa 3rd at 4th rounds ay tipong naresolbahan na ng kampo ni Marcial na maiwasan ang straight ni Hart.

Dito sa nasabing rounds ipinakita ng PInoy boxer na wala sa kalidad niya ang kalaban nang bugbugin niya nang husto ito para magpasya ang reperi na itigil ang laban sa 4th  pabor kay Eumir.

Tingin ng ilang kritiko, nakatulong kay Eumir ang patuloy na pagpapaalala ni Magsayo na iwasan ang straight ni Hart para magkaroon sila ng adjustments sa laban.

2-0 na ang karta ni Marcial, may isang panalo via unanimous decision at ngayon nga ay via TKO.

Marami pang dapat iimprub kay Marcial lalo na ang depensa.  Pero tingin ng mga kritiko, ang lakas niya ang magpapahirap sa mga boksingero sa kanyang dibisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …