Tuesday , May 6 2025
Alex Lopez Mel Lopez

Pati amang dating alkalde idinamay
Fake news pakalat ng kalaban — Lopez

AMINADO si Manila mayoralty candidate, Atty. Alex Lopez, kinakbahan ang kanyang mabigat na katungali kaya’t kung ano-anong fake news na lamang ang ipinagkakalat at pati mga patay ay dinadamay pa sa kampanya at nalalapit na halalan.

Ayon kay Lopez, isa sa ipinakalat ng kanyang kalaban, itinakbo siya sa ospital gayong malakas pa siya sa kalabaw.

Bukod dito, inakusahan din siyang ‘marites’ ng kanyang kalaban gayong ang sinasabi lamang niya ay katotohanan batay sa reklamo ng ilang Manileño at mga ebedensiyng hawak nila.

Ikinagulat ni Lopez ang pag-uugnay sa pangalan ng kanyang ama ukol sa pagkakabenta ng patrimonial land na Divisoria mall gayong wala namang kinalaman at ang iba pang alkalde ng lungsod lalo ang namayapang si dating Mayor Alfredo Lim sa naganap na bentahan.

Dahil dito iginiit ni Lopez, noong panahon ng kanyang ama ay walang ibinenta, kahit isang ari-arian ng lungsod ng Maynila.

Binigyang-diin ni Lopez, kapakanan ng mga taga-Maynila ang nasa isip ng kaniyang ama noong panahon ng kanyang adminitrasyon.

Bukod dito, sinabi ni Lopez, ikinagugulat niya ang mga akusasyon ng kanyang katunggali gayong noong panahon ng kanyang ama ay nagsisiksihan sila sa kanilang grupo maging nang tumakbo ang kanyang ama at natalo.

Muling tinukoy ni Lopez, kung talagang may ginawang masama sa Maynila ang kanyang ama ay bakit pinangunahan ng kanyang mga katunggali ang pagpapasinaya sa Mel Lopez Blvd., na kailanman ay hindi hiningi ng kanilang pamilya sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Iginiit ni Lopez, pawang alibi at palusot ang ginagawa ng kanyang katunggali at ayaw tanggapin ang katotohanan na ibenenta nila ang isang patrimonial land nang hindi dumaan sa tamang proseso at hindi man lamang nakonsulta nang tama ang stakeholders.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

PNP PRO3 Central Luzon Police

PNP Gitnang Luzon full alert na para sa 12 May elections

ALINSUNOD sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Headquarters, isinailalim na sa full alert status …

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at …

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …