Sunday , December 22 2024
Ping Lacson earmuffs

Kopyahan ng sagot para maiwasan
PING NAGMUNGKAHING GUMAMIT NG EARMUFFS SA PRES’L DEBATES

PARA makita kung sino ang klarong may alam para masolusyonan ang mga problema na kinakaharap ng bansa, iminungkahi ni Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang paggamit ng earmuffs o pantakip sa tenga sa mga kandidatong dadalo sa debate.

 Matapos ang unang round ng presidential at vice presidential debates ng Commission on Elections (Comelec), itinuloy ni Lacson at kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto III ang kanilang pangangampanya sa probinsiya ng Nueva Ecija, una sa lungsod ng Gapan.

Dito, ibinahagi ng Lacson-Sotto tandem kay Gapan City Mayor Emeng Pascual ang kanilang mga plataporma at tinanong rin ang kalagayan ng kanilang lungsod partikular sa sektor ng kalusugan, agrikultura, at Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA).

Dahil sa direktang pagtutok sa mga isyu ng komunidad na kanilang binibisita, sinabi ni Lacson, mas angat ang kanilang kaalaman sa mga paraan para maresolba ang mga ito.

Aniya, “Kaya nakasasagot kami sa debate e, ‘yung iba nangongopya, kinokopya ‘yung sagot namin. Isa-suggest ko nga sa Comelec dapat naka-earmuff lahat ‘yung (kandidato) para hindi naririnig ‘yung mga sagot namin.”

 Para kay Sotto, sinabi niyang sa pitong national elections na kanyang sinalihan, ngayong Halalan 2022 umano ang pinakamakabuluhan at gustong-gusto niyang pag-iikot para kausapin ang mga botante.

“Sapagkat itong ginagawa naming dialogues, town hall meetings ang laki ng benepisyo both sides. May natututuhan kami sa sinasabi ng mga kababayan natin… Sa amin din, natututuhan nila kung ano [ang gagawin]… Hindi tulad dati ang nangyayari — rally, sigaw-sigaw (pero) may natutuhan ba sa iyo ‘yung mga nakinig? Wala,” ani Sotto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …