Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.2M shabu nasabat
6 DRUG SUSPECTS, TIKLO SA BUY-BUST

ANIM na bagong unidentified drug personalities (IDPs) kabilang ang dalawang babae ang naaresto matapos makuhaan ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng impormasyon mula sa kanilang impormante na nagbebenta umano ng shabu si Arvy Gumarang, 39 anyos at Mahdali Tongko, 47 anyos, tricycle driver na naging dahilan upang ikasa ang buy bust operation laban sa kanila sa Dr. Lazcano St. corner Bronze St., Brgy., Tugatog, dakong 9:25 pm.

Agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P9,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer, kasama sina Jomar Reyes, 24 anyos, at Ma. Princess Babes Magcalas, 19 anyos.

Ani P/SSgt. Jerry Basungit, nakompiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 26.5 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P180,200, marked money na isang P1,000 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, coin purse, weighing scale at isang tricycle na gamit umano sa pagtutulak ng droga.

Dakong 2:00 am nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sina Hernan Cruz, alyas Tatang, 55 anyos, at Ricky Polintan, 33 anyos, sa buy bust operation sa M.H Del Pilar, Brgy. Panghulo.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 2.8 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P19,040 at P500 buy bust money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …