WALANG balak na iwan at talikuran ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson si Vice Presidential aspirants Senate President Vicente “Tito” Sotto III kapalit ng napapabalitang Lacson-Sara tandem.
Ayon kay Lacson kung paano nila inihayag ang pagsuporta nila sa isa’t isa simula pa noong magdeklara sila ng kanilang tandem ay hindi ito matatapos hanggang sa huling laban sa halalan sa Mayo 2022.
Iginiit ni Lacson walang dahilan para sila ay maghiwalay ng landas ni Sotto at bago pa man sila naghayag ng pagiging isa ay ilang beses silang nagpulong at nagnilay-nilay .
Aminado si Lacson, hindi siya nakikipag-usap o nakikipagpulong kaninuman para sa anumang tambalan lalo kay Mayor Sara Duterte.
“With all due respect and not taking anything away from Mayor Sara Duterte-Carpio, I intend to stick it out with my partner, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, as my running-mate all the way,” ani Lacson.
Umaasa si Lacson na tiyak na pareho rin sila ng nararamdaman ukol sa kanyang presidential candidate na sinsamahan sa kasalukuyan.
Muling naninidgan si Lacson, ang plataporma de gobyerno at plano ng tambalang Lacson-Sotto ay iisa lamang at muling ibangon ang pamahalaan mula sa korupsiyon at kahirapan.
“The Lacson-Sotto tandem remains committed to uplift the lives of Filipinos by fixing the ills of government (Aayusin ang Gobyerno, Aayusin Ang Buhay ng Bawat Pilipino) and by going after thieves, especially those in government (Uubusin ang Magnanakaw),” dagdag ni Lacson. (NIÑO ACLAN)